Una sa Balita

Olmilla tutok muna sa duathlon

By
0 457

LIE low muna sa triathlon para makapag-focus sa taong ito ang atleta na si Joland Olmilla para makapasok na miyembro ng Philippine National Duathlon Team sa 30th Southeast Asian Games 2019 na itataguyod sa pang-apat na pagkakataon ng bansa.

Kabilang sa Top 10 national ranking duath­letes noong 2017 ang Cebuano na tubong Mandaue City. Pero nag­laho makaraang hindi makapagkompetensya sa Pilipinas Duath­lon Series 2018.

Kaya naman sa PDS 2019, naka-radar na siya sa sa may tatlong yugtong PDS o 4km run, 20km bike, 4km run race sa Pebrero 17 sa Mimosa Clark sa Angeles City, Eagle Ridge sa Cavite City sa Abril 14 at Villages Clark sa Angeles rin sa Hulyo 21.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy