Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Olivia puntirya training center

0 100

MISYON ng bagong halal na presidente ng Philippine Bowling Federation na si Olivia “Bong’’ Coo na maibalik ang dating ningning ng sport sa Pilipinas, ayon sa four-time world champion, kailangan lang na magkaroon ng sariling training center ang mga national bowler.

“It’s really necessary for us to have our own training center. Aspiring players need to play as many games as they can for them to get better,’’ saad ni Coo.

Noong kapanahunan ni Coo ay isa sa mga kinatatakutan na makalaban sa bowling ang Pilipinas, kasabay niya na nagbigay ng karangalan sa bansa si six-time world champion at World Bowling Hall of Famer Paeng Nepomuceno.

“We train four times a week, but are limited to two hours. Although we pay at a discounted rate, the lane fees are still expensive, compared to having a training center,” dagdag ni Coo.

Sa nakaraang SEA Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam, tinuldukan ni Merwin Tan ang halos mahigit isang dekadang pagkabigo ng Pilipinas na makasungkit ng gold medal. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.