Una sa Balita

Olivarez wagi sa ikatlong termino bilang Parañaque mayor

By
0 315

Naiproklama na ng Commission on Elections ang nanalong mayor at vice mayor ng Parañaque City sa nakaraang May 13 midterm elections.

Dakong alas-11:00 nang gabi nang itinaas ng City Board of Canvasser ang kamay ni Edwin Olivarez na muling nagwagi bilang alkalde at si Rico Golez sa pagka-bise alkalde.

Si Olivarez ay nakakuha ng 169,224 na boto sa kanyang ikatlong termino bilang mayor ng lungsod habang si Golez naman ay nakakuha ng 141,433 na boto.

Ginanap ang proklamasyon sa Parañaque City Sports and Social Hall kunsaan dumalo ang buong pamilya Olivarez, maging ang kanyang mga supporter.

Naiproklama na rin si Joy Tambunting bilang nagwaging kongresista para sa ikalawang distrito ng Parañaque City matapos manguna sa botong 103,028.

Nagpasalamat naman ang Team Parañaque sa pangunguna ni Mayor Olivarez sa kanilang pagkapanalo sa naganap na halalan.

“In behalf, therefore of my constituents and fellow Paranaquenos, I now urged everyone to be part of our collective advocacies for a more develop and progressive city” ani ni Olivarez.

Samantala sinabi naman ni Police Colonel Rogelio Rosales, hepe ng Parañaque City Police na naging payapa ang pagdaraos ng halalan sa lungsod.

Ayon kay Rosales, walang untoward incident at wala ring kaharasan na naitala ang pulisya habang isinasagawa ang botohan hanggang sa canvassing ng boto.

Ngunit aniya, mayroong mga report na nakarating sa kanila gaya ng ‘hakot’ ng mga politiko at vote buying.

Mahigit sa 580 pulis ang ipinakalat sa buong lungsod ng Parañaque, mula noong Sabado hanggang sa canvas­sing noong Martes. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy