Una sa Balita

Olivarez nanguna sa Parañaque survey

By
0 439

KARAMIHAN sa mga incumbent local official ang mga nangunguna sa mayoralty survey para sa midterm election na idaraos sa darating na Mayo.

Kabilang dito si reelectionist Parañaque City Mayo­r Edwin Olivarez at base sa survey ng RP Mission and Deve­lopment Foundation Inc. na isinagawa mula nitong Pebrero 1 hanggang 10, nakakuha ng 43% ang naturang alkalde laban sa katunggali nitong si dating Parañaque City mayor Florencio Ber­nabe Jr., na nakakuha ng 15%.

Sa resulta pa rin ng RP Mission ‘Halalan 2019 Survey,’ nakakuha naman ng 75% sina incumbent Mayors Bobby Eusebio ng Pasig City; Abigail Binay, ng Makati City na nakakuha ng 70%; 68% naman si Imelda Aguilar, ng Las Piñas City.

Nabatid na sa naunang survey, na isinagawa ng Publicus Asia Inc., muling nakakuha ng 48% si Olivarez kumpara kay Bernabe, Jr., na nakakuha naman ng 10%.

Ang non-commissioned survey ay mula sa 1,800 respondent na isinagawa ng Publicus Asia, na pina­ngunahan ng founder/CEO, political strategist, TV host at kolumnista na si Malou Tiquia.

Nabatid, na si Vice Mayor Joy Belmonte ang top choice bilang alkalde sa Quezon City, na nakuha ng 72% kontra kay Rep. Vincent ‘Bingbong’ Crisologo, na nakakuha lamang ng 18%, na isinagawang survey mula sa 2,500 respondent sa National Capital Region.

Si dating Manila vice mayor Isko Moreno ay nakakuha ng 45%; Ma­yor Joseph Estrada, 26% at da­ting mayor Alfredo Lim ay nakakuha naman ng 24%. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy