Una sa Balita

‘Old legs’ ng Mavs ipinahinga

0 23

Dumayo ng Amway Center sa Orlando ang Ma­vericks na iilan lang ang players na bitbit.

Iniwan sa Dallas ang ilang veterans, hindi rin nakasama si coach Rick Carlisle sa trip ng preseason back-to-back.

‘Really old guys’ pa nga ang birong tawag ni Carlisle sa kanyang veterans na hindi pinasama sa Orlando. Wala sa trip sina star­ters Dirk Nowitzki, Wesley Matthews at Harrison Barnes, gayundin sina ve­teran reserves Nerlens Noel, JJ Barea, Josh McRoberts at Devin Harris.

May sakit si Carlisle, kaya hinalinhan pansamantala ni associate head coach Melvin Hunt.

Tuloy, pinagbayad ng Magic ang Mavs 112-89 sa likod ng 17 points at 10 rebounds ni Aaron Gordon. Nagdagdag din si Nikola­ Vucevic ng 14 points sa home preseason debut ng Orlando.

Pasikat si Dennis Smith, No. 9 overall pick ng Dallas sa draft noong June, nang ibuhos lahat ang kanyang team-high 13 points sa first half.