Una sa Balita

Oladipo, Brogdon pader ng Pacers sa backcourt

0 235

Key Players: Myles Turner, Domantas Sabonis, Doug McDermott, Aaron Holiday, Victor Oladipo

Roster: Alize Johnson, TJ Leaf, Edmond Summer

Key additions: Goga Bitadze (18th overall pick in 2019 Draft), Brian Bowen II, Amida Brimah, Malcolm Brogdon, Justin Holiday, Jeremy Lamb, Walter Lemon Jr., T.J. McConnell, Naz Mitrou-Long, JaKarr Sampson, T.J. Warren, CJ Wilcox

Rank: 5th
Last year’s record: 48-34

Coach: Nate McKillen

Walang aatrasang laban ang Indiana Pacers sa parating na 74th National Basketball Association 2019-20.

Pumwestong fifth sang Pacers sa nakaraang season, pero ‘di man lang nakaporma laban sa Boston Celtics sa playoffs series, 0-4.

Kinulang in puwersa ng Indiana nang ma-injure si Victor Oladipo last season at inaasahan na makakabalik pa sa 2020.

Ganunman, handa pa ring ibandera nina Myles Turner at Domantas Sabonis ang koponan.

Nag-average ng 18.8 points, 5.6 rebounds, at 5.2 assist si Turner habang 14.1 markers, 9.3 boards at 2.9 feeds si Sabonis nitong nakaraang season kaya inaasahan na mas lalagare pa pagpaialnlang ng liga sa buang ito.

Kaabang-abang rin ang ipapakita ni 18th overall pick Goga Bitadze na mula EuroLeague at may 12.1 pts. at 6.4 rebs per game kaya nakasungkit ng EuroLeague Rising Star honors.

Magtatambal rin para sa Pacers ang magkapatid na Holiday na sina Aaron at Justin, kasama rin sina veterans Malcolm Brogdon, Jeremy Lamb, T.J. Warren.

Hahamakin ng Indiana Pacers ang lahat makapasok lang muli sa playoffs at masungkit ang kampeonato sa torneo. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy