Una sa Balita

Okay ba ang porn sa 16 year old?

0 734

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes:
Good morning po, Dra. ma-ask ko lang po kung normal po normal po ba na nunuod ng porn? Ako po ay isang ­lalaki edad 16. Safe po ba? Ganong kadalas ang pinaka okay? Taga La Salle po ako. Third year high school.
Salamat sa sagot niyo ang ­katanungan ko.
Dexter

Dear Dexter:
Maraming salamat sa sulat mo. Sa ­aking karanasan bilang sex therapist, ­normal lang manood ng porn ang mga lalaking 16 years old. Ang mahalaga rito ay hindi gaanong karaming beses nanonood ng porn ang isang tao, pero kung ito ay nakaka-apekto sa mga bahagi ng buhay niya na dapat hindi maapektohan ay hindi na ito normal.

Para sa isang 16 year old na nag-aaral, ang dalwang bagay na kailangang hindi ma-apektohan ng porn ay ang mga relasyon at ang pag-aaral mo.

Halimbawa, kung ang panunuod mo ng porn ay ­nakaka-apekto sa iyong mga relasyon—sa magulang mo, kapatid mo, at sa iilang kaklase mo—ibig sabihin nakaka-apekto na ang porn sa buhay mo at hindi ito maganda.

Ang basehan nito’y hindi gaanong ­beses ka nanonood ng porn, pero ang kahulugan ng panunuod ng porn sa’iyo.

Ang isang taong masyadong naiistorbo kasi nanonood siya ng porn kahit isang beses isang buwan lang ay maaaring mas may problema kaysa ibang 16-year old na nanonood ng porn tatlong beses isang gabi.

Ang mahalaga ay magawa mo ang dapat gawin ng isang ­ka-edad mo. Ayon kay Dr. Freud, basta kaya mong magmahal at ­magtrabaho ikaw ay normal—ibig sabihin walang problema ­kahit manood ka ng porn. Para sa isang katulad mo na nag aaral sa la Salle (O ­kahit anong paaralan) basta mayroon kang relasyon—sa isang ­kaibigan, sa mga barkada mo, sa Nanay at tatay mo na ­maayos. Ito ang ­unang katangian ng isang 16 year old na ayos ang ­kalusugan (­mental health) kahit na siya ay nanonood ng porn. ­Dahil ang iyong ‘­trabaho’ ngayon ay bilang estudyante, kung kaya mong hindi lumagpak sa LA Salle, ayos na iyon. Inaasahan ko na natulungan kita, dearest dexter — MG Holmes

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy