Okada Manila umusok

By

Nagdulot ng tensyon ang usok na nakita sa isa sa mga palapag ng isang casino-hotel matapos pa­labasin ang mga emple­yado at guests nito kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ayon sa pamunua­n ng Okada Manila na matatagpuan sa Macapagal Boulevard, Parañaque City, alas-10:00 ng umaga nang ma-detect na umuusok ang isa sa mga palapag nito. Agad namang umaksyon at sinunod ang emergency response procedure para sa kaganapan.

Pinalabas ang mga kawani dito at mga guest, na nagdulot ng bahagyang tensyon.

Nabatid naman kay Parañaque City Fire Marshal Supt. Renato Capuz, alas-10:55 ng umaga nang rumesponde ang isa sa kanilang fire truck sa naturang casino-hotel.

Dito na nila na-detect na nanggaling ang usok sa isang construction site, na patuloy pa rin ngayong inaalam ng mga kagawad ng pamatay sunog.

Makalipas ang isang oras ay naibalik na rin sa normal ang operasyon at pinabalik na rin ang mga pinalabas na kawani at guest nito.

SHARE