Una sa Balita

Okada Manila, tinuligsa ng PRRC

0 629

Kinondena ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang pagkaignorante ng Okada Manila sa masamang epekto sa kalikasan sa tangkang paggamit ng 130,000 lobo sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Cove Manila nito.

“We, in the Pasig River Rehabi­litation Commission, condemn the utter ignorance of Okada Manila toward the negative environmental impact of using 130,00 baloons in its New Years’s eve festivilities in Cove Manila,” ani PRRC Executive Director Jose Antonio ‘Pepeton’ Goitia. “Setting a Guinness World for having inducted 130,000 river warriors would have been a better way to welcome 2019.”

Napilitan ang Okada Manila na ikansela ang paggamit ng 130,000 lobo makaraang tuligsain ng netizens sa social media at paalalaha­nan ng Department of the Environment and Natural Resources.

Nauna rito, nanawagan si Goitia sa lahat ng mamamayan na igalang ang kapaligiran sa hindi pagkakalat o pagtatapon ng basura lalo sa mga daluyan ng tubig sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“Ngayon na ipinagdiriwang natin ang kagitingan ni Gat. Jose Rizal, dapat nating alalahanin ang kanyang mabubuting halimbawa lalo ang pagmamahal sa Ilog Pasig na naging imortal sa nobela niyang El Filibusterismo,” diin ni Goitia.” “Sinalaula natin ang alaala ni Dr. Rizal nang tambakan natin ng tone-toneladang basura ang parkeng ipi­nangalan sa kanya noong nakaraang Pasko sa Luneta.”

Nanawagan din si Goitia sa mamamayan na huwag nang magtapon ng basura sa tributaryo ng Pasig River tulad ng mga ilog, sapa at estero na nagdidiretso sa pilit sinasagip na Manila Bay.

“Laging nasisisi ang mga estero na pinagmumulan ng mga basurang nagtutuloy-tuloy sa Manila Bay kaya sana maging responsable tayo at iwasang magtapon ng kahit anong basura sa mga tributaryo ng Pasig River,” dagdag ni Goitia.

“Hindi natin magagawa ang rehabilitas­yon ng Pasig River at Manila Bay kung hindi makikipagtulungan ang lahat ng mamamayan.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy