Una sa Balita

OK sa 60/40 hatian kung isusuko WPS

0 358

China nanggulang:

PAPAYAG ang China sa 60/40 hatian sa oil exploration sa West Phi­lippine Sea tkung isasan­tabi ng bansa ang isyu sa arbitral ruling na nagbigay ng karapatan sa Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Ito ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa naging pag-uusap nila ni Chinese President Xi Jinping nang bumisita ito sa China noong huling linggo ng Agosto.

Sinabi ng Pangulo na ibibigay ng China sa Pilipinas ang 60% sa ano mang makukuhang pakinabang sa oil exploration sa WPS basta hindi igigiit ng gobyerno ang usapin sa arbitral ruling.

“Set aside your claim. Then allow eve­rybody connected with the Chinese companies. They want to explore and if there is something sabi nila, ‘We would be gracious enough to give you 60%.’ 40 lang ang kanila. That is the promise of Xi Jinping,” anang Pangulo.

Sa katatapos na working visit ng Presidente sa China ay nabigo itong igiit ang karapatan ng gobyerno sa mga pinag-aagawang teritoryo dahil nanindigan ang China na hindi nila kinikilala ang na­ging ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.

Sinabi pa ng Pangulo na kasama sa arbitral ruling ang Exclusive Economic Zone (EEZ) na kailangang isasantabi sa sandaling masimulan na ang joint oil exploration sa China.

“Kasi ‘yang exclusive economic zone is part of the arbitral ruling which we will ignore to come up with an economic activity,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy