Una sa Balita

Oil tanker galing China sumadsad sa Pangasinan

0 463

NABALOT ng takot ang ilang residente ng Brgy. Patar, Bolinao, Pangasinan matapos na sumadsad at tumagilid sa dalampasigan ang isang foreign vessel oil tanker galing China noong Lunes.

Ayon kay Pangasinan Police Office (PPO) provincial director P/Col. Redrico Maranan, nagsasagawa na ng pagsisiya­sat sa foreign vessel at mga laman nito.

Ipinaliwanag ni Maranan, na pinagtuuunan nila ng pansin ang posibilidad na pagkakaroon ng oil spill o pagtagas ng langis sa dagat parte ng nasabing barangay.

Sinabi naman ng Bolinao Police Station na bantay-sarado rin umano ang mga sakay ng Marine vessel at handa silang bigyan ng police assistance kung kinakailangan.

Natatakot pa rin ang ilang residente ang nasabing barangay matapos na sumadsad at tumagilid sa dalampasigan ang isang oil tanker.

Patungo sanang Brunei mula sa China ang naturang oil tanker nang magkaroon ng engine trouble at natangay ng alon papunta sa dalampasigan ng Bolinao.
Ayon sa mga pulis, wala namang nasaktan sa mga sakay ng oil tanker. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy