Una sa Balita

Oil companies pipigain sa taas-presyo ng langis

By
0 2,011

Kikilos na ang Senate committee on energy upang maiwasan ang pag-abuso sa mga probisyon ng Republic Act No. 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act. 

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, ang chairman ng komite, magsasagawa sila ng pagdinig ngayong araw na ito upang matukoy kung nagkaroon ng ‘premature’ o maagang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at singil sa kuryente.

Alinsunod sa Senate Resolution No. 581, aalamin ng Senado ang imbentaryo ng coal at oil companies upang matiyak na hindi sakop ng pagpapatupad ng mas mataas na excise tax ang mga lumang stock.

Binanggit sa resolusyon na base sa circular ng Department of Energy (DOE), ang oil-based generation companies, oil companies at bulk suppliers, at refiners ay may minimum na 15 hanggang 30 araw na imbentaryo sa kanilang mga stock. Ang mga coal power plant naman ay mayroon dapat minimum na 30 araw para sa kanilang imbentaryo.

Nangangahulugan ito na saka pa lamang sila puwedeng magtaas ng singil sa sandaling maubos na ang kanilang mga lumang imbentaryo.

Iginiit ni Gatchalian na layunin ng isasagawang imbestigasyon ng komite na ma-monitor at ma-evaluate ang presyo ng mga produktong petrolyo at kuryente para mabigyan ng proteksyon ang mga konsumer laban sa mga mapagsamantalang negosyante. 

 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More