Una sa Balita

Oil companies nag-rollback sa diesel, kerosene

By
0 181

Katulad ng unang inanunsyo nitong Sabado ng Department of Energy­ (DOE), nagpatupad nga ng price rollback ang ilang kompanya ng la­ngis na magiging epektibo ngayong Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, nagtapyas ito ng tig-P0.30 sa diesel at kerosene na kada litro epektibo ngayong alas-sais ng umaga.

Habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Sumunod din nagbawas ang kompanyang PTT Philippines na kahalintulad din ng halaga.

Inaasahang maglalabas din ng anunsiyo para sa rollback ng kanilang mga produktong petrolyo ang iba pang kompanya tulad ng Petron, Total Philippines at Seal Oil na kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na price adjustment ng oil companies ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More