Una sa Balita

Oil companies ‘di kayang rendahan ng DOE

By
0 1,089

Aminado ang Department of Energy (DOE) na wala itong magagawa upang mapigilan ang pag-abuso ng mga kompanya ng langis sa pagpapataw ng mataas na presyo sa implementasyon ng Republic Act 10963 o Tax Reform for Acce­leration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa pagdinig ng Se­nate committee on ­energy kahapon, sinabi ni DOE Assistant Secretary Leonido Pulido III na dahil sa Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 ay hindi nila mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

“It depends on the definition of prevention. If it can be stopped, we cannot because it is a deregula­ted industry.

We do not have the mechanism to physically prevent them from raising their prices,” sabi ni Pulido.

Dismayado naman dito si Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng komite, kasabay ng atas sa DOE na bilisan ang pag-iimbentaryo sa produkto ng mga kompanya.

“Hindi nila na-va­lidate ‘yung pagtaas ng presyo nu’ng ibang retail gas companies ito ‘yung precisely na kinatatakutan natin na magtataas sila at ‘yung ibang nagtataas ay umaabuso and then they take advantage of the tax reform,” ayon kay Gatchalian.