Una sa Balita

OIC sa barangay pakana ni Pimentel

By
0 160

Itinuro ni Sen. Richard Gordon si Senate President Aquino ‘Koko’ Pimentel III na may pakana para ma­bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng OIC sa mga barangay hanggang sa maidaos ang halalan sa Oktubre 2018.

Isiniwalat ito ni Gordon matapos batikusin ng marami ang inilabas nitong committee report sa panukalang postponement ng barangay at SK elections ngayong Oktubre kung saan nakapaloob ang probisyon sa pagtalaga ng OIC at ang pagsipa sa barangay officials na kasama sa drug list.

“That was the proposal of senate president Pimentel and I am not blaming him for that but out of respect to the senate president, I put it there, to be fair he didn’t ask me I just put it there,” ani Gordon.

Si Pimentel na taga-Mindanao tulad ni Pangulong Duterte ay pangulo ng administration party PDP-Laban.

Aminado si Pimentel na maraming aangal sa isinulong niyang panukala kung kaya’t handa siyang iparetoke ito.

Nanindigan pa si Gordon na marapat lang na sipain ang barangay officials na sangkot sa drug trade sa bansa upang hindi nito maimpluwensiyahan ang eleksyon sa susunod na taon. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More