Una sa Balita

Oh Romeo, My Romeo! San Miguel guard Terrence Romeo

0 597

Ni Sarah Jireh Asido

Puno ng kaangasan sa loob ng hard court. Pero sa labas, napakababa ng kalooban ni Terrence Romeo.

Hindi alam ng marami na kung ‘kinaiinisan’ sa laro si Romeo ay mapupuri mo naman ang manlalaro kapag nakilala mo na ito nang husto.

Madaming kontrobersiya ang pinagdaanan ng 27-anyos na produkto ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa kanyang bata pang PBA career.

Minsan na siyang nakipagsagutan sa dating coach niya sa GlobalPort na si Pido Jarencio, napaaway sa isang bar at sinasabing mahirap pakisamahan.
Pero iba na ngayon ang player.

Masipag mag-ensayo, hindi madaling sumuko, malakas ang loob, puno ng tapang.

Ganyan ang Romeo na nakapanayam ng Abante.

Isang taon pa lang sa San Miguel si Terrence ay kasundo na niya ang mga kapwa Beermen.

Pruweba ito na hindi siya mahirap lapitan at pakisamahan.

High school pa lang, eksplosibo na si Terrence, umiskor ng UAAP Juniors basketball record na 83 puntos para sa Baby Tamaraws upang sapawan ang 69 ni UAAP Junior Maroon Paolo Mendoza.

Pagdating sa PBA, scoring champion siya sa tatlong magkakasunod na season mula 2015 hanggang 2017 habang nasa GlobalPort pa siya.

Tumagal ng limang taon si Terrence sa GlobalPort bago napunta sa TNT, isang season lang siyang naglaro para kay coach Bong Ravena bago mapunta sa puder ni coach Leo Austria kung saan natupad ang pangarap niyang magkampeon.

Hindi lang back-to-back ang nakuha ni Romeo, maging ang Finals MVP noong 2019 Commissioner’s Cup ay napasakamay niya.

Q&A

Abante: Ano ‘yong biggest highlight ng career mo?
Terrence: ‘Yong nag-champion kami, ‘yong nag-back-to-back champion kami. Kasi ‘yon talaga ‘yong dream ko, ‘yong makapag-champion sa PBA, never pa ako nag-champion sa buong career ko so noong nag-champion kami, nakapakalaking highlight sa akin iyon.

Abante: Kung magiging PBA commissioner ka, ano ang gusto mong baguhin?
Terence: Siguro ‘yong safety ng mga player. Siguro mas magiging mahigpit ako roon sa mga maruruming maglaro. Kapag sinabi mong maruming maglaro, ‘yong talagang mai-injure ‘yong player. Meron namang mga pisikal maglaro, okay ako diyan. Pero kung iinjury-hin mo na ‘yung player, ‘yon, magiging mahigpit ako diyan. Kailangan suspended siya, mataas ang multa.

Abante: Kaya ba ng SMB na mag-six peat?
Terrence: Number one goal namin ‘yon. Bilog ‘yong bola, hindi naman puwedeng pangunahan ‘yong hindi pa nangyayari. Pero gagawin namin kung ano ‘yong kontrolado namin. Magpe-prepare kami mabuti sa lahat ng makakalaban namin and hopefully makuha pa rin namin ‘yong goal namin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More