Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ZANJOE, NAPIKON, NAG-WALKOUT SA ‘BELA ISSUE’

By
0 7

Nag-walk out ba si Zanjoe Marudo sa harap ng showbiz media, matapos ang thanksgiving presscon para sa mga nalalabing pagsasaere ng My Dear Heart sa ABS-CBN 2?

Bigla kasing tinapos ni Zanjoe ang interview ng media sa kanya, dahil sa isang tanong tungkol sa pagkikita nila umano ni Bela Padilla sa labas ng Manila.

Nu’ng una, masaya pa si Zanjoe na nakikipagbiruan sa press, at sinasagot pa nito ang mga tanong na may kinalaman sa mga statement niya sa presscon proper, gaya nga nu’ng pahayag niya na kung ‘makikipagkikita pa ba sa kanya si Bela pagkatapos ng serye nila’.

Tawa nang tawa si Bela sa pangungulit sa kanila ng press, pero nu’ng matanong ang aktor tungkol sa pagkikita nila ng kanyang leading lady sa Pangasinan at sa iba pang lugar ay nakaramdam na ng pagkailang ang aktor.

Inisa-isa ng manunulat na si Regee Bonoan ang mga nakalap nitong impormasyon na nagkita nga raw ang dalawa sa La Union, na nasundan ng Bataan, at Tagaytay.

Sinabi ni Bela na nasa Pangasinan siya para sa kanyang kaarawan at sumunod lang naman si Zanjoe roon.

“Ako po nasa La Union na po ako para sa birthday ko. Sumunod lang po si Zanjoe. Hindi naman ‘yung parang planado,” tsika ni Bela.

Ipinaliwanag naman ng aktor na nasa Dagupan siya nu’ng mga sandaling iyon kaya pinuntahan niya si Bela.

kasalan na mamaya sa #MDHPamilyaDeJesus ❤

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

“Nasa Dagupan po ako, may show ako,” sambit ni Zanjoe.
Nang marinig nito ang Tagaytay at iba pang lugar, nagsalita ang aktor nang…

“Hindi totoo ‘yan!”
Hindi na nasagot ni Zanjoe ang ibang tanong dahil pagkasabi niyang…
“Mag-anuhan ba tayo dito?” ay agad na itong tumalikod sa media.

Bagama’t hindi malinaw kung naimbiyerna si Zan­joe o sadyang nagmamadali lang ito, malinaw naman na hindi ito handang sagutin ang tungkol sa kanila ni Bela.

Magkaibigan ang deskripsyon ni Zanjoe sa kanila ni Bela. Bilang silang dalawa ang magka-partner sa serye at pareho silang single, inaasahan ng mara­ming fans na magkakaroon sila ng love story sa tunay na buhay.

Sa presscon proper ay sinabi ni Zanjoe na nasa stage sila ni Bela na ‘Taguan ng feelings’.  At sa interview sa kanya ay nagsalita ito na ‘joke’ lang ang kanyang nasambit pero ‘half meant’ na rin daw ‘yun.

Sagot ng nangingiting si Bela… “Bakit hindi na lang kami ang mag-usap?”

Kung tutuusin bagay sina Zanjoe at Bela, pero mukhang hanggang ngayon ay nagpapakiramdaman pa ang dalawa sa kung ano ang posibleng umusbong sa kanilang samahan.

Anyways, marami pang aaba­ngang kaganapan sa pagtatapos ng My Dear Heart, na tumakbo sa ere ng anim na buwan.

Ang susunod namang project ni Zanjoe ay comedy…