Una sa Balita

OH, LABAN KA?!: VICKI AT HAYDEN KASAL SA PARIS, KAINGGIT-INGGIT!

By
0 102

Kung ibabase sa isang kaibigan naming kasama sa mga invited guests sa magaganap na wedding nina Vicki Belo at Hayden Kho, walang dudang bongga at pasabog ang magiging mga kaganapan bago pa at sa mismong araw ng Sept. 4, Lunes na gagawin sa Paris.

Ayon sa isang source, sa welcome dinner party pa lang sa mga guests ay gumastos na ng bonggang-bongga si Dr. Belo.

Gagawin ito sa isang fabulous resto na kinakainan ng mga big stars at prominent personalities sa buong mundo.

Kung hindi kami nagkakamali, sa isang historical theater na Opera gagawin ang reception ng wedding.

Sina Vicki at Hayden pa lang daw ang kauna-unahang couple na gagamit sa nasabing venue.

Mula raw sa lugar kung saan ikakasal sina Hayden at Vicki, isasakay ang lahat ng mga bisita at entourage sa bus at saka sila dadalhin sa reception venue.

Marami na ang naiinggit sa kasalang ito dahil sa pagiging marangya o pangmayaman na preparasyon.

Pinoste ni Vicki ang hotel room na tutuluyan nila bago at hanggang sa huling araw ng kanilang pamamalagi sa Paris.

Ipinakita ni Vicki sa short video niya na ang tutuluyan nilang kuwarto ay kay Coco Chanel, isang influential fashion designer at founder ng Chanel brand.

Sinabi ni Vicki na nagkaroon ng love affair ang nasabing designer sa isang German leader.

Masisilip sa video kung gaano kaganda at talagang pangmayaman ang nasabing hotel room.

Ipinakita rin ni Vicki sa kanyang IG posts ang damit ng anak niyang si Scarlet Snow at ng ilang mga accessories na gagamitin niya sa mismong kasal.

Dyowa ni Solenn, ayaw mag-showbiz!

Gustong sumunod ni Solenn Heussaff sa kate­gorya ng mga talent managers ng mga celebrities dito sa local showbiz.

Ibinahagi ni Solenn ang plano niyang mag-manage ng mga careers ng mga artists sa pinakahuling media launching ng All-Star Videoke na siya mismo ang host katuwang si Betong Sumaya.

Nagkaroon ng idea si Solenn sa pagnanais niyang maging talent-manager dahil sa do-it-yourself-make up.

Ayon kay Solenn, mula nung pumasok siya sa showbiz hanggang sa kasalukuyan, siya na ang gumagawa ng sarili niyang make-up at hairstyle.

Gusto raw ni Solenn na mag-handle ng mga sty­list at bigyan ang mga ito ng seminars o workshop para mas lalong ma-enhance ang artistry ng mga ito sa make-up.

Pati mga wardrobe, stylist ay gusto rin i-manage ni Solenn para mas maprotektahan ang mga careers ng mga ito.

Kahit mga artista ay pinaplanong i-handle ni Solenn dahil sa palagay niya kaya niyang maging isang mahusay na talent manager.

Si Solenn ang lumalabas na career-manager ng mister niyang si Nico Bolzico. 

‘Pag may mga inquiries daw ng mga modeling assignments o pictorial ay siya raw ang kumakausap sa mga ito para sa asawa.

Tinanggihan na ni Solenn ang offer ng GMA 7 na mag-artista ang kanyang husband.

Bukod sa hindi raw ito intresado sa showbiz, mas okey raw ang set-up nila ni Nico na isa lang sa kanila ang artista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy