Una sa Balita

Oh, Laban Ka?!: Sushmita Sen, paiibigin ulit ang mga Pinoy…

By
0 2

Malaki ang chance na mapaibig muli ni 1994 Miss Universe Sushmita Sen ang mga Pinoy sa mga susunod na buwan, lalo at sa susunod na taon ay dito nakatakdang gawin ang Miss Universe 2016.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Sushmita sa India ang mapapanood sa Zee Sine Bollywood na tayo sa Cignal TV. Nakipag-partner ang Cignal sa Zee Entertainment Philippines para mailabas sa Cignal ang mga Bollywood movies na gawa ng India; action, drama, comedy, fantasy at marami pang iba.

Garantisadong maiintindihan ng mga vie­wers ang mga pelikulang mapapanood nila dahil isinalin sa Tagalog ang mga lenguwahe sa movie.

Mula sa araw hanggang gabi, mamumutiktik sa dami ng mga Indian movies ang mapapanood ng mga subscribers ng Cignal TV.

Matatandaang minahal ng mga Pilipino si Sushmita nang makuha nito ang korona ng Miss Universe nu’ng 1994, kung saan dito nga sa bansa ginawa ang tinaguriang pinaka-prestihiyosong beauty pageant sa buong mundo.

Naging laman ng ilang mga TV shows si Sushmita matapos ang pagwawagi niya. Dahil sa karisma naging idolo rin ng mga Pinoy ang beauty queen ng India.

Sharon, Regine, Lea at Jona, kakanta ng libre para sa mga guro

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Isa si Jona (dating Jonalyn Viray) sa mahigit 20 celebrity volunteers na magtatanghal ng libre sa magaganap na pinakamalaking Gabay Guro Teacher’s Tribute special show na gaganapin ngayong September 25, sa MOA Arena.

Ilan pa sa mga libreng magpapasaya sa mahigit 20,000 guro na dadalo mula sa iba’t ibang panig ng ‘Pinas ay sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Vina Morales, James Reid at Nadine Lustre at marami pang iba.

Ang dahilan ng libreng serbisyo ni Jona sa okasyon ay dahil sa isang magandang alaala niya sa kanyang guro noong siya ay high school pa lamang. Kuwento ni Jona, noong sumasali pa lang siya sa mga singing contest sa mga malalayong lugar para kumita ng pera, sa bahay ng kanyang high school teacher sa Quezon City siya umuuwi paminsan-minsan.

Sa San Mateo, Rizal ang tinutuluyan ni Jona at kapag inaabot siya ng madaling-araw sa mga kontes, sa bahay ng kanyang teacher siya nagpapalipas ng dilim at dumidiretso na siya sa school.

Ang nasabing teacher niya ang nag-alok na doon na siya tumuloy kapag inaabot ng madaling-araw sa pag-uwi mula sa mga singing contest.

Namatay na ang kanyang guro na ‘yon, pero hanggang ngayon makatas pa rin sa alaala ng mahusay na singer ang kabutihan ng kanyang guro.

Ang pagpapahalaga sa mga guro ay advocacy ng PLDT at Smart Foundation na siyam na taon na ngang tumutulong sa mga teachers sa iba’t ibang programa gaya ng livelihood, trainings at scholarships.

Sa taong ito ng Gabay Guro Festival, may tsansang manalo ng house and lot, motorcycle at iba pang malala­king premyo ang mga lalahok na mga teachers sa mismong araw ng palabas.