OH, LABAN KA?!: SUE, KILIG-TO-DEATH KAY JOAO!

By

Nasukol ng showbiz media si Sue Ramirez kaugnay sa tsismis na relasyon nila ng Pinoy Boyband member na si Joao Constancia.

Makahulugan ang naging reaksyon ni Sue nung matanong ito sa lovelife niya, matapos ang presscon ng lalabas niyang movie kasama sina Miles Ocampo, Jane de Leon, Michelle Vito at Chanel Morales, ang The Debutantes, na dinirek ni Prime Cruz, na prodyus ng Regal Entertainment Inc. at IdeaFirst Company.

Flawed and proud. ♥️ . . . 📸© @imjoric

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Natukoy na si Joao ang nagpapa­saya ngayon kay Sue, nung muli itong ngumiti nang banggitin ang name ni Joao. Hindi itinanggi ni Sue ang pagi­ging malapit nila ni Joao, pero wala pa raw silang relasyon.

Tsika ni Sue, nasa ‘dating stage’ pa lang sila ni Joao ngayon. Ayaw rin niyang sabihin na nanli­ligaw sa kanya si Joao ngayon, at mas maganda raw kung si Joao na lang ang tanungin.

Sumulpot ang isyu nang interes ni Joao kay Sue nang sabihin nito sa programa ni Boy ­Abuna Anyway, sa show ni Kuya Boy Abunda na ­Tonight with Boy Abunda last April, inamin ni Joao na crush niya si Sue, at gusto niya itong maka-date. At natupad na nga `yon, dahil ilang buwan na rin silang nagdi-date.

Tsika pa ni Sue, masigasig at mabait daw si Joao. At nakilala na rin daw ni Sue ang parents ni Joao, at ganun din si Joao sa parents niya.

Anyway, 7-years na si Sue sa showbiz, at nga­yon pa lang daw nagliliwanag ang kanyang career. Bukod sa The Debu­tantes, may mga movies pa siyang gagawin.

Makakasama raw siya sa isang project nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

 CARL, TANGGAP NG PAMILYA NI CHANEL!

Dalawang taon na ang relasyon nina Chanel Morales at Carl Guevarra. Sa presscon ng The Debutantes, buong ningning na inamin ni Chanel ang tungkol sa relasyon nila ni Carl.


Proud si Chanel sa relasyon nila ni Carl. Si Carl ay ex-boyfriend ni Kris Bernal.

Ayon kay Chanel, gumagawa ng paraan si Carl para magkita silang dalawa o magkaroon ng panahon sa kanilang relasyon. Ito raw ang dahilan kung bakit nagtagal ang kanilang relasyon.

Hindi maka-relate si Chanel sa kung paano inalagaan ni Carl si Kris noong magdyowa pa lang ang dalawa. Base sa interview namin sa dalawa noon, galante at talagang maalaga sa kanyang kasintahan si Carl.

Paliwanag ni Chanel, kung ano ang meron sila ngayon ni Carl, ‘yun lang ang alam niya.

Tanggap daw si Carl ng mga magulang niya. Naisama na raw si Carl sa ilang mga bakasyon nila ng kanyang pamilya.

Sinabi pa ni Chanel na minsan ay inililibre pa si Carl ng parents niya sa kanilang mga trip. Ilang beses na raw nakabisita sa Bacolod si Carl, na siyang hometown ni Chanel.

SHARE