Una sa Balita

OH, LABAN KA?!: SHARON, KABOG SINA HEART AT MARIAN SA KOLEKSYON NG BAGS!

By
0 13

Oras naman ni Sharon Cuneta ngayon na magpasiklab pagdating sa pagkakaroon ng mga mamahalin o branded bags.

Nitong mga nakaraang buwan, nagpapalitan sina Heart Evangelista at Marian Rivera ng paramihan ng Hermes at kung anu-anong million peso na halaga ng bags.

Pero, mas kabog pala sila ng Megastar sa pagka­karoon ng mga koleksyon ng mas limited item na bags.

Kilala si Sharon sa iilang celebrities na nagta­taglay ng mga ‘rare piece’ of jewelries, gaya ng ­diamonds, ruby at kung anu-ano pang mamahaling bato.

Ngayon nalantad na hindi lang pala sa alahas may mga natatanging koleksyon ang Megastar kundi pati na sa mga bags.

Sa kanyang sariling Instagram account, nag-post si Sharon ng ilang piraso sa marami niyang branded at mamahaling bags, gaya ng isang limited edition ng Louis Vuitton croc skin at YSL pink Crock skin bag.

Nagpaalam muna ang Megastar sa kanyang mga fans, followers kung okey lang na mag-post ng mga bags niya. At kung tutol ang mga ito, hindi na niya itutuloy.

Pumayag naman ang kanyang mga followers.

Kinaaaliwan si Sharon sa kanyang pagyayabang dahil may mga kuwento ito na parang nanonood ka ng eksena sa pelikula.

Couldn't think of anything — at least anything new to post — so I'm showing you my "favoritest" bag of the moment. No, it is not a Birkin or a Kelly or anything else Hermés. But when I saw it in Milan, Italy a few years ago, my heart melted and I couldn't leave the store (well I bought lots of other things from them too, so they served me and my squad some good champagne in a nice seating area!). It's more beautiful in person, and I actually LOVE using it more than any of my Hermés, at least for now (Everyone seems to be what I call "Hermésing" so let's let them keep doing that. I still have my 24-year-old Kelly in pristine condition. Got that and others before they became obscenely expensive Hahahaha!). This one is a Louis Vuitton alligator (or is it a croc? Not that it makes any difference to me!) — and it is in a perfect purple shade for a bag! It's not as heavy as a Birkin; just the right weight empty or full. Two handles and a dainty but strong shoulder strap! I stuff it. It has to work hard. Well, it should be able to take all my stuff — cost me a concert and a half's talent fees plus three of my toes and one whole leg! Pamana na ang mga ganito. The best bags will go to the best daughters (or granddaughters!)! But my girls are the best so…you have no idea what my bag collection looks like so let's just say they'll be really happy! Frankie goes around with my 20+ year-old vintage Chanel ostrich bag. She better know how to care for it! For now, this is my baby and constant partner. Thanks for coming up with this, LV! (P.S. Lemme know if you like me posting stuff like this. I don't want to be misinterpreted as making yabang kasi. This is just my life guys – I think that's no secret naman. Born deez wey eh. And my mom was ELAINE. Need I say more? Hahaha! Just lemme know, 'kay? Cos I might be feeling a bit uncomfortable and I won't do it if people take it the wrong way. I do looove my stuff. That's all. Thanks!)

A post shared by Coach:TheVoice.phActressSinger (@reallysharoncuneta) on

Gaya na lamang sa purple color croc skin LV bag niya. Walang dudang mamahalin ang nasabing bag dahil ayon sa actress-singer-host, ang halaga ng pirasong ito ay isa niyang concert, kalahati ng kanyang talent fee at iba pa.

Pamana na ang tawag niya sa LV bag na ibibigay lang niya ito sa karapatdapat na mga anak niya o mga babaeng apo.

Ibinigay na nga raw niya ang kanyang 20 plus vintage Ostrich skin bag sa anak na si Frankie. Ayon pa rin sa kanya ay mahusay mag-alaga ng kanyang mga binigay si Frankie.

Ang isa pang post ni Sharon ay ang Pink Croc Skin YSL na may ­kuwento rin siya tungkol sa pagbili niya ng bag.

Para hindi ma-bash ng mga ­animal ­lover, ipinagtanggol na ni Sharon na hindi siya maka-Crocodile dahil ­kumakain ng tao ang mga ito.

May halong comedy ang kuwento ni Sharon sa mga bag posts niya.  Gaya raw nu’ng nag-shopping siya.

Gusto niyang bilhin ang naka-post na bag na YSL pero dahil mahusay ang memory ng kanyang assistant, sinabihan siyang nakabili na siya nito noon pa.

Pinagbibigyan si Sharon ng kanyang mga fans at followers sa pangangalandakan niya ng kanyang mga bags dahil napapatawa niya ang mga ito sa kanyang kalokahan at pagbibiro.