OH LABAN KA?!: SHAINA, GUSTONG MAKITA ANG NAMATAY NA LOLA…

By

May isang taon na pero hindi pa rin nakakapag-move on ang dalawang aktres ng Kapamilya network na sina Ja­nice de Belen at Shaina Magdayao.

Ang Instagram ang ginamit nilang daan para ipahayag ang kanilang nararamdaman sa pagkasabik nila sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na yumao na, isang taon na ang nakakaraan.

Nag-post si Janice ng larawan ng puntod ng kanyang inang si Mommy Susan de Belen at saka niya sinabi sa caption na “It’s been a year…” na ang tinutukoy niya ay isang taon na ang lumipas mula nu’ng mamatay ang kanilang mommy.

Larawan naman ng kanyang Lola ang pinoste ni Shaina para alalahanin niya ito.

Ang isa ay ang nakatawa photo ng lola niya at sabay sulat niya ng caption na, “miss being in the arms of my angel.

I’ll forever miss you, your laughter and kwentos, my beautiful lola #itsbeenayear #lolasgirl.”

Ang sumunod ay ang classic photo ng lola niya sa black and white. At ang isa ay nakalapit sa mukha ng Lola niya ang mukha ni Shaina, sabay sulat niya ng caption na “See you in dreamland.”

Ang pangatlo ay ang isang flower bouquet naman ang in-upload nito sa kanyang IG account at sinabing ibinabahagi niya ang mga bulaklak nito sa kanyang Lola na nasa langit.

LEILA ALCASID, PANG-SHOWBIZ ANG GANDA!

Sandali lang nagpahinga si Leila Alcasid mula nu’ng duma­ting siya rito sa ‘Pinas galing Australia.

Kung saan-saan na nagpupunta ang anak na ito ni Ogie Alcasid kay Michelle Van Eimereen.


Lumabas na ang bagets sa ilang mga shows sa ABS-CBN at sa Myx Awards kung saan isa mga guests ang ama niya at naging presenter pa siya ng isang award kasama ang dalagita ni Sunshine Cruz na si Angeline.

Sumalang na rin ito sa isang pictorial session para sa isang magazine.

Ngayon naman mukhang magtutuluy-tuloy na ang pagpasok nito sa showbiz industry bilang singer dahil sa pinoste ng daddy niya sa Instagram wall nito na nakaupo ito sa isang mataas na stool chair kasama ang anak ni Gary Valenciano at Sharon Cuneta & Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan.

Maikli ang caption na sinulat ni Ogie sa photo pero sapat na ‘yun para malaman ng mga fans niya na lumabas na ang anak niya sa isang musical variety show.

Kung maga-artista si Leila, walang kokontra lalo at maganda naman ito at nanatiling mabango ang naipundar na pangalan ni Ogie sa showbiz.


SHARE