Una sa Balita

Oh, Laban Ka?!: Ryan Bang, bigo sa pantasya kina Yeng at Alex!

By
0 27

Umaming bigo kina Yeng Cons­tantino at Alex Gonzaga si Ryan Bang, at bigo rin siya sa kanyang nakaraang lovelife na hindi rin nga nagtagal.

Dalawa lang ang pinaka-ultimate crush ni Ryan, sina Yeng at Alex. Pero hindi nagawang manligaw ni Ryan sa acoustic artist dahil may boyfriend na ito noon at ikinasal na nga.

Idinadahilan naman ni Ryan ang kanyang itsura kung kaya hindi siya nagustuhan ni Alex.

Walang masabing matibay na dahilan si Ryan kung bakit dini-dedma lang siya ni Alex, pero wala raw siyang maramdamang interest sa kanya ang na­kababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Idinaan daw ni Ryan sa friendship ang pakikipag-close kay Alex dahil ‘yun ang nakalakihan niyang kultura sa Korea. Hindi niya alam kung paano manligaw dahil hindi ito uso sa kanila, kaya naman kinaibigan niya si Alex. Pero ‘yun nga bigo siyang mapaibig ang komedyante kaya hanggang friendship lang talaga.

Last year pa walang lovelife si Ryan. Gusto raw niyang magkaroon ng Filipina girlfriend pero hindi niya alam kung bakit walang magkagusto sa kanya.

Ang itsura raw kasi niya ay hindi talaga gustuhin ng mga Filipina. Malaki raw ang mukha niya, malaki ang ulo niya kaya walang nagkakasyang sombrero o wig kapag nasa Showtime at Banana Sundae siya ng ABS CBN 2.

Tinutulak nga raw siya ng nanay niya na mag-asawa ng Pinay, pero wala raw talaga siyang naaakit na kahit sinong Pinay.

Gusto sanang manawagan ni Ryan sa mga Filipina na gustuhin siya, pinigilan lang siya ng press na du­malo sa kanyang presscon para sa second single niyang lalabas ang Like, Love, Follow, na mapapanood sa YouTube ang music video.

Kung sa bading naman, hindi raw puwedeng ‘halayin’ si Ryan ng mga bakla. Protektado raw siya ng nanay-nanayan niyang si Vice Ganda.

Marami siyang kaibigang bakla, pero walang mangahas na ligawan, magparamdam o magtangka dahil alam nilang alaga siya ni Vice.

Pagdating lang sa usaping sex, umiiwas si Ryan na ta­lakayin ito sa kanya. Kung anu-anong alibi na ang ginawa niya nung kumustahin namin ang sex life niya.

Naroon sabihin niyang umiihi naman daw siya sa banyo, nakakatulog naman daw siya at idinadaan niya ito sa pagsu-swimming.

Hindi kasi kami makapaniwala na walang ‘regular’ o ‘on-call f@$k buddy’, ‘friends with benefit’ si Ryan. Bukod sa sikat siya, malakas ang sense of humor niya. Gustuhin ng mga babae ang mga ganung qualities ng isang lalake.

Pero ayaw umamin ni Ryan kahit ang pagma-maryang palad niya. Isa lang ang walang kagatul-gatol na inamin ni Ryan, at ito ay ang pagiging ‘tuli’ niya.

Agad-agad sa tanong namin kung ‘tuli’ siya, sumagot ito na pagkasilang pa lang sa kanya ng nanay niya, bininyagan na siya agad. Ibig sabihin, “cutsu at ‘di potsu” ang komedyante.

Samantala, ilan sa mga lumabas sa kanyang second single music video ay sina Vice Ganda, Jessy Mendiola, Anne Curtis, Vhong Navarro, Gretchen Pulido, Bernadette Sembrano at Noli De Castro.