Una sa Balita

OH LABAN KA?!: POKWANG, BYE-BYE ‘FPJ’ MUNA!

By
0 98

Sa February 2018 nakatakdang magsilang si Pokwang. Isang buwan na nga ang pinagbubuntis niya nga­yon.

Kaya humihingi ng dasal si Pokwang sa kanyang mga kapa­nalig at tagaha­nga para sa kaligtasan at kalusugan niya, lalo na ng baby sa sinapupunan niya.

Pero siyempre, nagpapatawa pa rin si Pokwang sa post niya. Na sabi nga niya, dahil buntis siya, bawal muna si Chokoleit sa bahay niya.

“At iwas din ako sa sarili ko. Ha! Ha! Ha! Ha!” sey pa niya.

Nagbigay naman ng mensahe sina Arjo Atayde, Yassi Pressman, Ricci Chan at Awra kay Pokwang.

Anyway, sa kalagaya­n ngayon ni Pokwang, tigi­l muna siya sa pagtatrabaho para mapanga­lagaan ang kanyang baby.

Sa video na pinadala ng mga kasamahan niya sa Ang Probinsyano, nagpahiwatig si Pokwang nang pagtigil muna niya sa taping ng serye at ang pasasalamat din niya sa mga taong nakasama niya sa nasabing action drama anthology na pinagbibidahan ni Coco Martin.

 

“Thank you and I miss you my #fpj fami­ly… Salamat ng maram­i sa pagmamahal nyo. ‘Yung totoo @awrabriguela ano talaga? Hi…Hello? Or Congratulations mamang? Hahahahaha… @pjendrinal @yassipressman @jeffreytammagician @maloucrisologo, #TitaSusan #MarvinYap #bebetrish #Dang,” sey ni Pokwang.

SHARON-KIKO, MAS TUMIBAY ANG PAGSASAMA!

Isang pagpapatunay na maayos at walang gusot sa pagsasama nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ay ang mensahe ng Megastar kay Sen. Kiko nitong Father’s Day.

Nasa US ngayon sina Sharon at Kiko, kasama sina Frankie, Miel at Miguel, para sa concert tour ng singer-actress-performer.

“Happy Father’s Day, my Dorkie-Dork,” mensahe ni Sharon kay Kiko.

Sa ngayon, malinawag na mas lalong tumibay ang pagsasama nina Mega at Kiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy