Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Pokwang at anak, 6 buwan maghihiwalay…

By
0 104
Pokwang

Para sa anak ay walang hindi gagawin si Pokwang, kahit pa nga malayo sa kanya ito. Nakatakdang umalis ng Pilipinas ang anak ni Pokwang na si Mae para sa anim na buwang internship sa Paris para sa kurso nitong Culinary.

“Have a safe flight anak. Mami-miss kita sobra! Hmp! Anim na buwan mabilis lang yan! Magpakatatag ka at be smart wag syungabels (tanga) hahaha. God bless you anak at galingan mo sa Paris keri mo yan para pag nakatapos ka na ng kolehiyo next year magtatayo tayo na tayo ng pares, hahahaha! I love you anak at lagi ko ipagdarasal ang kaligtasan mo. See you next year. #internshipNasibabyGirlKo,” sabi ni Pokwang.

Pangarap ni Pokwang na makapagtapos ang anak para sa pinaplano nilang restaurant, bilang mahilig ring magluto ang komedyana. Nabigo si Pokwang sa unang resto na itinayo sa Pasay, kaya naman gusto niyang sumugal sa anak.

Gustuhin man ni Pokwang na samahan si Mae sa Paris, kailangan niyang manatili sa kama para masigurong ligtas naman ang kanyang ipinagbubuntis ngayon.

Yassi, mahal na mahal ang ama!

Natupad ang plano ni Yassi Pressman na mabigyan ng special na birthday present ang kanyang ama sa edad nitong 88. Sinorpresa ng buong production ang American father ni Yassi nu’ng bumisita ito sa set ng Ang Probinsyano.

Naka-post sa Instagram account ni Yassi ang short video na kinakantahan ang tatay niya ng buong team ng Ang Probinsyano. Masaya siyempre ang tatay ni Yassi.

“On the set!! Hahaha my set visitor last week! Sweet ng prod kinantahan pa siya, di niya alam magpapablow out sila hahaha! Di bale, pag marunong nang magtalog si Papa, makakasabay na siya satin.”

Sa isa pang video post ni Yassi sa ama, ipinaramdam niya ang malaki niyang pagmamahal dito.

“Happy 88 years of existence to this amazing human being.  Thanks for being all I need and more. I love you dad, thank you for all the wisdom guidance, right amount of freedom, love and care. You are the best,” sabi ni Yassi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy