Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Pisngi ng PUWET ni Solenn, IPINASILIP!

By
0 211

Umariba na naman sa kanyang ka­seksihan si Solenn Heussaff na tila ayaw magpatalbog sa kaibigang si Ellen Adarna na naglabas ng puwet sa social media (Instagram at Facebook) bilang promo na rin ng pagiging cover girl niya ng FHM ngayong December.

Masisilip naman sa Instagram wall ni Solenn ang isang short video na sinisipat-sipat niya ang pigura niya sa harap ng salamin. Hindi puwedeng mapalampas ng kahit na sino na hindi tignan o sili­pin ang video dahil sa eskandalosang suot ng Kapuso star, na umuusok talaga sa ka­seksihan ngayon.

Nakasuot ng isang high cut one-piece swimsuit si Solenn habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin. Ang nasabing swimsuit ay sumikat noong panahon nina Alma Moreno at Carmi Martin, na tinawag ngang ‘tangga’.

‘Yun ay dahil abot hanggang itaas ng waistline ang cut ng bikini na hiwa na lang halos ng isang babae ang natatakpan. Malalim din ang cut nito sa tagiliran at likod kaya naman halos sumi­ngaw na rin talaga ang boobs at pati kalahati ng puwet ni Solenn.

Sumikat ang ganitong tabas ng one-piece swimsuit sa mga Hollywood stars na sina S­elena Gomez at Kendall Jenner na nakunan ng paparazzi sa isang beach resort na pareho ang suot nilang bikini.

Ito ngayon ang bagong trend na swimsuit sa 2017 na kahit sinong lalake at babae ay magpi-piyesta sa kaseksihan ng magsusuot. Mauulol din ang lalake sa pagpapantasya sa halos kapiranggot na telang tumatakip sa kaselanan ng isang babae ng nasabing swimsuit design.

Kahit mismo si Solenn ay excited na isuot ang nasabing swimsuit sa nakikita niyang kaseksihan ng sarili.

“@boomsason swimsuit!! Thank you for all of them. Can’t wait for Palawan! Ps: love the i­nstruction,” sey ni Solenn.

Eula, inagawan ng eksena
ng driver na tomboy!

eula-valdez-004Bumenta ng bonggang-bongga ang isang short video posting ni Paolo Ballesteros sa Instagram. Ang bida sa video ay si Eula Valdez na nagsasabi ng kanyang birthday at nagku-congratulate kay Paolo dahil sa pagwawagi nito sa nakaraang Tokyo International Film Festival para sa movie na Die Beautiful.

Nasa loob ng sasakyan ang aktres, suot ang isang mala-bangaw sa laki ng shades at suot ang isang matt red plum lipstick. Hindi ang birthday message ni Eula kay Paolo ang nakanakaw ng atensyon sa mga followers ng bida sa MMFF 2016 movie entry na Die Beautiful, kundi ang British a­ccent ni Eula.

Binati ni Eula si Paolo na ang gamit niyang twang ay English na animo ay hindi ito isang Pinay.

Kamangha-mangha ang pagi-English twang ni Eula na akala mo ay si Angelina J­olie ang nagsasalita dahil gaya ng Hollywood actress, halos magkasinglapad sila ng lips.

At sa kalagitnaan ng pagi-English ni Eula, big­lang may sumulpot na tao sa likod ng windshield niya at makikitang nililinis nito ang salamin.

“Did you see the driver behind me? You see?” tanong nito sa kanyang video.

“My driver a­ctually is a she…” sey pa nito.

Naaliw ang mga followers ni Paolo at maging ang a­ktor mismo na tawang-tawa sa effortless na English accent ni Eula lalo na ang kaswal na pagbanggit niya sa kanyang driver na isang tomboy.

Maging si Danica Pingris at ang celebrity make-up artist na si Varda ay natawa sa video message ni Eula. Well, kung bibigyan ng chance na mag-comedy si Eula, malaki ang tsansa nitong makatawid mula sa drama i­mage at maha­nay sa mga tinatawag na versatile a­ctresses na gaya ni Maricel S­oriano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy