Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Piolo-Shaina, wild na wild sa video!

By
Piolo at Shaina
0 9
Piolo at Shaina
Piolo at Shaina

Sari-saring reaksiyon ang hina­mig ng short video na pinost ni Piolo Pascual sa kanyang Instagram account, na kuha sa Star Magic Ball 2016. Video ‘yon na nagsasayaw sila ni Shaina Magdayao na ala-dirty dancing.

Sa totoo lang, sobrang intimate ng sa­yaw na `yon nina Piolo at Shaina, na kung saan ay yakap-yakap nga nila ang isa’t isa, at naglalaro ang mga kamay ni Piolo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Shaina, habang pareho silang gumigiling.

Abante Hiring – IT dep

Dikit na dikit nga ang ulo at mukha ni Piolo kay Shaina, na parang hinahalikan nito sa leeg ang da­laga. Magalaw ang mga kamay ng aktor na humihimas sa braso at balikat ng kapareha. Hindi nakita sa video ang mukha ni Shaina.

Isinalarawan ni Piolo ang sexy dance nila ni Shaina bilang “fun” o “pagsasaya” lang.

“We also know how to have fun and enjoy the night #starmagicball2016 @shainamagdayao.”

Pero sa totoo lang, marami ang nagulat sa video na `yon. Nagtataka ang ilan, at nagtatanong na nga kung sina Shaina at Piolo na ngayon, matapos ngang maudlot ang dapat sana ay pagkakaroon nila ng romantic relationship noon.

Ilan sa mga followers ang nag-comment na “Grabe si Papa P!” dahil halos hindi na raw makaalpas si Shaina sa higpit nang pagkakayap sa kanya ng aktor.

Naloka nga ang mga fans sa napanood na video dahil parang lumabas na “wild” daw pala si Piolo.

Luis, negatibo rin sa ‘Hair Drug Panel Test’!

Luis Manzano
Luis Manzano

Hindi pa nagkasya si Luis Manzano sa kanyang drug test sa pamamagitan ng urine, dahil heto at muli ngang sumailalim ang binata sa isa na namang drug test, sa pamamagitan naman ng kanyang buhok.

Negative si Luis sa drug test sa urine, at sa latest na hair test naman niya ay negative din siya. Pinost ni Luis ang resulta ng hair test niya sa kanyang Instagram wall kung saan makikita na sa lahat ng exam sa anumang uri ng illegal use of drugs ay negative ang TV host.

Kinunan ang drug test ni Luis sa Omega Laboratories. Hair 5 Drug Panel test ang tawag sa procedure at kinunan ang TV host nito lang October 12 at lumabas ang resulta nu’ng October 17.
Sa message caption ni Luis ng kanyang hair drug test pinatutunayan lang niya sa lahat na kahit anong test ang pagdaanan niya, lalabas ang resulta na hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nilagyan pa ng blue shades ni Luis ang bahaging mababasa kung sino ang nag-sponsor o nag-request ng hair test.

“Some people weren’t happy with the urine test saying the most accurate is through hair drug panel test. Done!”

Wala namang kaaway si Luis sa ginawa niyang posting ng hair panel drug test. Pero pumatol si Luis sa mga pilosopong nagtatanong kung paano pag kalbo ang kukunan ng “hair” sample.

“Body hair from my legs…” sagot ni Luis.

Nanganak ang topic tungkol sa body hair kaya ang tanong naman ng isa ay kung paano kung wala tala­gang buhok sa katawan, puwede raw ba sa “kilikili’ o “pubic hair.”

Hindi na sumagot si Luis.

Gretchen, pa-selfie-selfie with P-Digong sa Tokyo!  

Marami na namang ikukuwento o ipu-post si Gretchen Barretto sa kanyang Instagram account sa pagbisita niya sa Tokyo. Kasama si Gretchen sa entourage ni President Duterte na nagpunta sa Tokyo.

Hakot ni Pres. Digong ang ilang mga business-magnate sa trip niya sa Japan kabilang na ang Smart at TV5 chairman na si Manny Pangilinan at si Toni Boy Cojuangco na long time partner ni Gretchen.

Nakapaskil sa IG wall account ni Gretchen ang ilang mga larawan na kuha sa naturang trip. Makikita na nakikipagkamay ang kasintahan niyang si Toni Boy at si Manny Pangi­linan sa ilang mga Pinoy sa event na ‘yon na ginanap sa Palace Hotel Tokyo.

Nagpasalamat si Gretchen sa pagkakaroon niya ng business delegation identification card na patunay na kasama siya sa entourage. ‘Yun nga lang, sinaway si Gretchen ng announcer sa event dahil sa ginagawa nitong video selfie sa loob ng ballroom.

Sinabi naman ni Gretchen sa video niya na ­bawal ang selfie, “Siyempre, hindi na naman ako nakikinig.”

Hindi agad pinutol ni Gretchen ang selfie video shoot niya. Tinapos muna niya ang pagkuha sa sarili at saka niya pinatay ang cellphone camera.