Una sa Balita

OH LABAN KA?!: PIOLO, ‘BAD TRIP’ SA AKUSASYON NA GINAGAMIT NIYA SI SHAINA!

By
0 2
Piolo Pascual
Piolo Pascual

Happy, ang deskripsyon ni Piolo Pascual sa ‘relasyon’ nila ni Shaina Magdayao.

“We’re good at basta happy kami,” sabi pa ni Piolo sa estado ng samahan nila ni Shaina.

Gaya ng isyu sa kissing video­ nila ng anak niyang si Iñigo Pascual na kumalat sa social media, game na sumagot si Piolo sa mga pangu-usisa ng press sa aktor tungkol sa relasyon nila ng kapwa niya Kapamilya star.

Si Piolo pa nga ang nagbanggit sa pagkapikon niya sa ilang write-ups tungkol sa pangaakusa ng ibang press na ginagamit daw niya si Shaina para lang mapag-usapan ang lalabas niyang movie under Regal Entertainment Inc., Spring Films at Star Cinema na Northern Lights: A Journey To Love, na pinagbibidahan din nina Yen Santos at ng child star na si Raikko Mateo, sa direksyon ni Dondon Santos.

Na-bad trip nga raw si Piolo sa mga nagsasabing ginagamit nga niya si Shaina kaya napagalitan siya ng business management company na kinabibilangan niya. Pero hindi na nga raw siya pumatol dahil napag-isip-isip niyang hindi naman lahat ng mga sumusubaybay sa kanila ay alam kung ano ang totoo sa kanilang mga personal na buhay.

Deadma na lang daw si Piolo dahil mas importante sa kanya kung ano ang meron sila ni Shaina ngayon.

Akala nga namin magdidiretso na si Piolo sa usapin tungkol sa kanila ni Shaina at magbibigay ito ng linaw tungkol sa nababalitang romantic relationship nila ng aktres. Nabanggit kasi nito ang katagang “At the end of the day, what is important is your relationship” sa kanyang statement tungkol sa kanila ni Shaina.

Nang usisain si Piolo tungkol dito, hindi na sumagot pa ang aktor na nangingiti na lang at nakikipag-harutan na sa mga kaharap na press na dumalo sa presscon ng nasabing pelikula niya na ginanap sa Valencia Events Place ni Mother­ Lily.

Sa mga sali­tang binitiwan ni Piolo, mukhang mas may linaw na ngayon ang naudlot noong papausbong na sanang romantic relationship nila ng aktres. Base sa kanyang pahayag, mukhang may understanding na sila ni Shaina.