Una sa Balita

Oh Laban Ka?!: Pia feeling fan sa harap ni Pres. Duterte

By
0 153
pia-wurtzbach-rodrigo-duterte-003
Pres. Rodrigo Duterte and Miss Universe Pia Wurtzbach (FB)

Kay President Rody Duterte lang pala masisira ang poise ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach kung ang pagbabasehan ay ang laki ng excitement ng huli sa meet-and-greet nilang dalawa ng nasa­bing bagong halal na Pangulo.

Sunud-sunod ang mga postings ng mga larawan ni Pia sa Instagram na kuha sa pagbisita niya kay Pres. Digong sa Malacañang.

Ang isa ay pinoste mismo ng beauty queen sa kanyang Instagram account at ang ilan ay pinoste na ng mga taong nag-escort sa kanya patungong palasyo.

Kitang-kita sa mga reaksyon ni Pia sa mga larawang naka-poste sa account ng mana­ger niyang si Jonas Gaffud ang excitement niya nang makaharap si Duterte.

Abot hanggang te­nga ang mga ngiti ni Pia na masisilip sa IG account ni Jonas nang makaharap na nito si Pres. Digong.

At kahit may mga kasamang photographer ang grupo nina Pia at pati na ang Malacañang, hindi pumayag ang pride ng Pinas sa Miss U na hindi makapag-selfie sa Presidente.

Nagmistulang fan si Pia sa naging kilos niya sa pagtatagpo nila ni President Duterte.

Ipinagmalaki pa niya iyon sa kanyang IG comment na hindi lang ang huli ang galing ng Mindanao kundi siya man.

Sabi niya sa message niya sa selfie-photo nila ni Duterte, “what an honor to meet our new President Rodrigo Duterte First Minda­naoan President and First Mindanaoan Miss Universe.”

Hindi rin pinalampas ni Pia na mag-emote sa loob ng opisina ng Malacañang sa photo na pinoste niya.

Kasama ni Pia ang nakaupong international Chef and Restaurateur na si Shwan McClain, nakatayong nagpa-picture ang Miss Universe na ang background ay ang Philippine flag.

Walang final na desisyon sa request ni Pia na pa­yagan ng Malacañang at suportahan ng Tourism na ganapin dito sa Pinas ang Miss Universe sa mga susunod na taon.

Pero mukhang malaki ang pag-asang mapagbigyan si Pia sa pagnanais nitong makilala at maipakita muli sa buong mundo ang ganda ng Pinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More