Una sa Balita

Oh, Laban Ka?!: Panawagang tulungan si Dick Israel dumami!

By
Jhong Hilario at Robin Padilla
0 4

Nangunguna si Jhong Hilario sa  mga local celebrities sa panawagan na damayan sa kalagayan ngayon ang character actor na si Dick Israel.

Matapos kumalat sa social media ang lara­wan ni Dick na pinost ng nagngangalang Side­miod Francisco Datanaman para pukawin ang atensyon nang netizen sa aktor.

Naka-tumb up sign si  Datanaman sa photo katabi ang nakaupo at naka-tumb up sign din na si Dick.

Sa caption nanawagan si Datanaman nang tulong para kay Dick dahil nasunugan raw ito sa Bagong Barrio Caloocan kung saan siya naninirahan ngayon.

Ang nasabing lara­wan rin ang pinost ni Jhong Hilario sa kanyang Instagram account para manawagan sa kanyang mga kasamahan sa industriya ng tulong sa aktor.

Sa ibaba nang lara­wan ay ang hubad na pang-itaas na katawan ni Dick na bagsak na dahil sa katandaan at karamdaman nito.

Nakasama ni Jhong si Dick sa 2013 highly acclaimed indie film na “Badil” na dinirehe ni Chito Roño.  Ginampanan ni Dick ang role ng isang campaign agent para sa isang tinutulu­ngang politician na tuma­takbo sa kanilang lugar.

Tinatalakay ang bara­yan at korupsyon ng eleksyon sa kanilang lu­gar kung saan isa sa mga nagpapatakbo nito ay si Dick.

Makikita naman sa pe­likula ang kapansanan at kalusugan ni Dick pero naibigay niya ang husay niya sa papel na ginagampanan.

Lumabas rin siya sa pelikula ni ER Ejercito, ang “Boy Golden” na entry sa MMFF nong 2013.
Na-stroke si Dick nong 2010 at hindi na nanumbalik pa sa normal ang kanyang paglalakad at pagsasalita.

Saad ni Jhong sa kanyang panawagan sa Instagram: “nanawagan po ako sa mga kasama­han ko sa industriya… ka­i­la­ngan po ng tulong ng ating kasamahan na si Tito Dick Israel.  Mara­ming salamat po. God Bless.”

Nanawagan naman ang ilan sa mga followers ni Robin Padilla sa kanyang Instagram account para kay Dick.

Sabi ni @misyell128 sa kanyang mensahe kay Robin, nakita raw ni­ya ang post tungkol kay Dick at naaawa raw siya dito.  Isa na itong simpleng­ mamayaman.  Ma­tanda na at nasunugan ito kaya puwede itong tulungan.

Inaasam naman ni @mvandersoon na matunugan ng mga kasama­han ni Dick sa industriya ang pagdamay kay Dick lalo’t kailangan nito ng pagkain, gamot at damit.

Isa raw sa hinaha­ngaan nong dekada 80’s si Dick dahil sa husay nito bilang artista mapa-co­medy man o kontrabida.  Matapos raw itong magkasakit, nasunugan naman sa tinitirhan nito.

Wala sa Pinas si Ro­bin at kasalukuyan nasa Japan para sa kanyang research kasama ang anak na si Ahmad Ali.

Walang tugon si Ro­bin sa panawagan ng ilan sa kanyang followers pero siguradong pinakilos na nito ang kanyang mga kapanalig dito sa Pinas para saklolohan si Dick.