Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Michelle, ibinigay ang anak kay Regine…

By
0 2

Tiyak nang magiging masaya at ­maaliwalas ang paninirahan ni Leila Alcasid sa Pinas lalo at taos-puso ang pagtanggap ng stepmom niyang si Regine Velasquez-Alcasid sa kanilang bahay.

Masayang nagkuwento si Regine sa amin nu’ng makatsikahan namin ito sa fashion show ng designer na si John Herrera para sa Epson nu’ng Miyerkules na ginanap sa Shangri-La Mall, Edsa.

Ayon kay Regine last year pa niya alam na pupunta ng Pinas si Leila para manirahan dito at makasama nila. Excited na raw siyang makasama si Leila noon pa man, lalo at close ito sa baby niyang si Nate.

Wala raw adjustment na ginawa sa isa’t isa sina Regine at Leila dahil close naman sila at nagkakasama na raw sila sa tuwing bibisita sila ni Ogie Alcasid sa Australia.

Sabi nga ni Regine, sa pagiging mabait na bata ni Leila, kahit sino ang makasama nito ay matutuwa sa kanya.

Aliw na aliw daw si Regine nu’ng ­kausapin siya ni Michelle at ­inihahabilin na sa ­kanya ang kanyang dalaga. ­Sinabihan daw siya ni Michelle na…

“Ikaw na ang Mommy niya…”

Ayon kay Regine, nagpahinga muna sa pag­ aaral si Leila sa Australia, para bigyan ng chance ang sariling tumira sa Pinas ng isang taon, at para makasama nito nang matagal ang kanyang Daddy.

Isa ring pagkakataon ito para mas makasama at maka-bonding daw ni Leila si Nate.

Mahal na mahal daw ni Leila si Nate at ganudin daw ang bata sa kanyang ate.

Hindi na nag-comment si Regine kung anong “branded” at “expensive” bags ang ibinigay nito kay Leila, isang karakter ng singer-actress-host na kinagigiliwan sa kanya ng mga kasamahan niya sa industry.

Kilala si Regine sa pagiging generous sa mga kaibigan nito. Mahilig itong magbigay ng mga mamahaling bags.

Anyway, excited na si Regine sa nalalapit na telecast ng bago niyang show sa GMA 7, ang Full House Tonite. At siyempre, patuloy pa ring namamayagpag ang Sarap Diva show niya.

Ang suporta at paniniwala sa kanya ng GMA 7 ang rason kung bakit hindi nagka-interest na lumipat ng ibang istasyon ang Songbird.