Una sa Balita

OH LABAN KA?!: MATA NI AIKO, SUGATAN SA ‘GALIT’ NI MAJA!

By
0 5

Para patunayan ang aksidenteng naranasan ni Aiko Melendez sa taping ng Wildflower at sa eksenang naghampasan sila ng cake ni Maja Salvador, ipinaskil ng seasoned actress ang larawan ng kanyang mata na nasugatan sa eksena.

Makikita sa Instagram account ni Aiko ang dala­wang shots ng mga mata niya may namumuo pang dugo.  Nasa caption ang pagpapatunay ni Aiko na totoo ang insidente.

“Wildfact: Para patunayang totohanan ang laban at aksidenteng natusok ng kuko ang mata ni Aiko while doing the cake scene with Maja. Intense,”

At sa komento naman nito, sinabi ni Aiko na natuwa siya sa naging kinalabasan ng kanilang eksena kahit na nga nasaktan ang kanyang mata.

“#theaftermath, but happy we were able to give you a beautiful episode a while ago. Thank you for watching #WildFlower. As promised Season 2 will be bolder, Wilder! Don’t worry guys I’m a bit better now. Don’t forget to watch it tomorrow,” sey pa ni Aiko.

Ipinalabas ang cake confrontation scene nina Aiko at Maja nu’ng Miyerkules sa ABS-CBN 2. Hindi naman naging madali kay Maja ang pagkakagalos nito sa mata ni Aiko dahil nawalan ito ng katahimikan sa sarili.

Mismong si Aiko ang nagsabing hindi pinatulog ng kanyang konsensya ang bida sa Wildflower dahil sa hindi sinasadyang pagkakasundot nito sa kanyang mga mata.

Sinabi ito mismo ni Aiko sa kanyang naunang post na flower bouquet na nakapaskil sa kanyang IG wall.

Sa comment niya, sinabi niya ang aksidenteng nangyari na siyang dahilan kung bakit nabagabag nang todo si Maja.

“Thank you to my #Wildflower family for the lovely flowers. I’d like to thank Ms @marubenitez28 @amour83 kuya EJ for constantly checking on me. With God’s grace I am a bit better and ready to work again today. All the love of our craft to give our viewers what they deserve.

“Sadly I got into a minor accident which caused me pain in my right eye, AND ‘di naman sinasadya out of our emotional scene my eye got compromised which led to blood clot and mapapanood nila ‘yan later, in our episode.

“Thank you tita @isayasena and @wendelramos2015 who never left my side while I was in pain. To Kuya Simon our location manager and Ms. Joanne who rushed me to medical city and made me sure I was given proper medical attention…”

Maja Salvador
Maja Salvador

Binigyan ng kasiguraduhan ni Aiko si Maja na wala itong dapat ipag-alala sa nangyari dahil hindi nito sadya ang kanyang aksidente.

“Baby girl @majasalvador I know it was a accident talaga and ‘di mo sinasadya but I felt na genuine concerns and love for me, your sweet messages and your constant care for me made me love you even more.

“I love you baby girl! Pls know that I will never ever take it against you coz saw your reaction and sleepless nights, awww it breaks my heart.  But just the same I don’t love you less!!!”

Pinasalamatan rin ni Aiko sa kanyang mensahe sina Tirso Cruz III, Joseph Marco, ang kanyang makeup artist, and director, si RK Bagatsing na umaawat sa kanya sa eksena.