Una sa Balita

Oh, Laban Ka?!: Lav Diaz, naglabas ng ‘hinaing’ vs gobyerno…

By
0 64

Suportado ni Iza Calzado ang sentimyento ni Direk Lav Diaz sa kakulungan ng pagtanggap ng gobyerno sa mga nakamit na karangalan ng Pilipinas sa mga international film festivals.

Naghayag ng kanyang kulungkutan si Iza sa hindi pagkilala ng gobyerno sa husay ng Pinoy artists at films sa mga film festivals abroad.

Idinaan ni Iza ang kanyang saloobin sa pag-post ng larawan ni Direk Lav Diaz at ang saloobin nito sa hindi man lamang pagsuporta sa panalo nila at ng buong production ng “Ang Babaeng Humayo” sa Venice International Film Festival.

Nakuha ng pelikula ni Lav ang pinakamataas na award sa festival na `yon, ang ‘Golden Lion Award’.

“Pag beauty contest, nababaliw ang Palasyo at Kongreso?” — Direk Lav Diaz

Lav Diaz, Charo Santos at John Lloyd Cruz
Lav Diaz, Charo Santos at John Lloyd Cruz

Sabi ni Direk Lav sa kanyang mensahe…

“We rented a cheap apartment in Venice. I even cooked the team’s meals during our seven-day stay. Ni hindi nga namin na-meet ang sinuman mula sa Philippine Embassy nung nandun kami.

“We were in the main competition of Venice. It was like the Olympics of cinema.

“In sports, medalists received millions of incentives. They’re even given a house and lot.

“But why do filmmakers have to beg for support? Pag beauty contest nababaliw ang Palasyo at Kongreso?

“I am not complaining.., I’m just saying…”

Bilang isang film maker, nakaramdam si Iza ng kalungkutan sa rebelasyon ni Direk Lav.

“Hindi ko naramdaman ang same level ng pride natin nang manalo tayo sa Miss Universe…” — Iza

“I felt so sad when I read this. Bakit nga ba ganun? Bakit parang kulang ang pagpapahalaga ng gobyerno, maging ng Taong Bayan, sa sining ng paggawa ng pelikula? Hindi lamang sa pelikula ni Lav Diaz na ang “Babaeng Humayo” na nanalo ng Golden Lion Award for Best Film pati na rin ng manalo si Brilliante Mendoza na best director para sa “Kinatay” at Jaclyn Jose ng Best Actress para sa “Ma’Rosa” sa Cannes Film Festival.

“Hindi ko naramdaman ang same level ng pride natin nang manalo tayo sa Miss Universe…”

Nagpasintabi si Iza sa pagbanggit niya ng Miss U sa Miss U natin, ang Pinay na si Pia Wurtzbach para hindi mabigyan ng kulay ang kanyang sintemyento.

Sabi pa ni Iza…

“Mawalang galang na kay Pia Wurztbach, fan niya ako at super proud ako nang manalo siya. But I’m just stating my observation.

“Ang pelikula ay isang malaking bahagi ng ating sining at kultura.”

Nanawagan at umaasam si Iza na sana ay suportahan ang mga Pinoy Film Makers para makagawa ng mga magagandang pelikula ang mga ito.

“Sana ay pagyamanin natin ito at suportahan upang lalo tayong makagawa ng mga obra na magpapakita ng husay at tibay ng puso nating mga Pilipino. Mga pelikula, director at artista na maipagmamalaki natin.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy