Una sa Balita

Oh, Laban Ka?!: Kris A., mukhang matanda at haggard sa viral photo!

By
0 180

Pinagtripan sa social media si Kris Aquino dahil sa photo niya na wala siyang makeup, na parang kuha sa isang video chat niya. Nagpasa-pasa nga ang picture na ‘yon, na umabot nga sa Freedom Society page FB account, na kumukontra sa rehimen ni President Noynoy Aquino.

Anyway, sa naturang photo ay mukhang matanda at hapis na hapis ang mukha ni Kris na parang pagod na pagod nga. Pinahulaan pa sa kung sino ang babae sa larawan, eh, halata naman na si Kris nga ‘yon.

Hindi magugustuhan ni Kris ang larawan niya na ‘yon kapag nasilip niya dahil talagang malayo ito sa kanyang image bilang product endorser particular na bilang beauty image model. Malayo rin ang nasabing larawan sa mga napapanood kay Kris sa TV at pelikula kahit na ‘yung mga eksena niyang halos walang make-up.

Pinintasan at sinasa­bihang matanda na si Kris sa kanyang larawan kahit hindi pa naman kumpirmado kung ito ba ay authentic photo niya o dinoktor na lang sa pamamagitan ng photoshopped.

Nahusgahan na agad si Kris ng netizens sa istura niyang ito at sinabihang hindi talaga siya maganda. Wala pang nagtatanggol sa TV host-actress-producer sa post na ‘yon dahil halos lahat ng mga naglagay ng kanilang comments ay ayaw talaga sa kanya.

Anyway, kararating lang ni Kris ngayon sa ‘Pinas, mula sa halos dalawang buwan na bakasyon sa Amerika.

Base sa mga tsika ni Kris, natuto sina Joshua at Bimby ng mga gawaing bahay gaya, tulad ng paghuhugas ng plato.

Chokoleit, mukhang ‘gorilla’ sa tingin ni Pokwang!

Pinalalabas at pinagmukhang gorilla ni Pokwang ang kaibigang si Chokoleit sa birthday greetings ng una para sa huli sa social media. Ilang araw bago pa sumapit ang kaarawan ni Chokoleit, nauna na ngang nag-post ng pagbati niya si Pokwang sa kaibigan.

Inilagay niya ‘yon sa kanyang Instagram account, at kasama sa lara­wan ang kanyang anak na si Mae Subong. Sa photo naka-post si Mae at nasa likod niya ang isang concrete statue ng isang gorilla.

Pinuri ni Pokwang si Chokoleit dahil sa pagpapasaya nito sa kanilang mag-ina. Wish nitong maabot pa ni Chokoleit ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Pokwang
Pokwang

Tunay na kaibigan ang turing ni Pokwang kay Chokoleit at mahal niya ito pero inihalintulad naman niya ito isang gorilla. Pabiro pa niyang sabi na ‘nag-iisa’ na lang ang larawan nilang ito ng kanyang anak kaya pakakaingatan niya ito.

“Happy Birthday sa aking­ tunay na kaibigan! Kahit ganyan ka, mahal kita lalo ng anak kong si @maesubong. Sobra mo siyang napapatawa kaya naman sa iyong kaarawan ang wish ko sana maabot pa ang iyong mga pangarap at mabu­ting kalusugan para sa iyo at sa lahat ng mahal mo.”

“Nag-iisa na lang itong picture nyo ni Mae kaya iniingatan ko talaga. Happy birthday @hotchokoleit ganda ng kuha nyo dito ha.”

Marami ang natawa sa deskripsyong ito ni Pokwang pero may mga nag-comment na sobrang harsh daw ng komedyana kay Chokoleit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy