Una sa Balita

OH LABAN KA?!: “KISS MY FLAT ASS!” — Ellen Adarna

By
0 184
Ellen Adarna
Ellen Adarna

Kung dati ay pasilip lang ang drama ng mga sexy photos ni Ellen Adarna, particular na ang paghuhubad niya sa Instagram para sa photo shoot ng FHM.

Pero ngayon ay nagbuyangyang na ng kanyang kalandian ang sexy star, na isa sa mga bida ng Langit Lupa ng ABS-CBN 2.

Nakabalandra sa Instagram wall ni Ellen ang kanyang semi-close up na puwet na may mga buhangin pa sa gitna ng hiwa at pisngi.

Nakatalikod si Ellen sa shot na ito habang nakapameywang.

Ikinaloka ng mga followers at fans ni Ellen ang pagpu-post niya ng hubad na katawan, kaya naman inulan siya ng napakaraming komento.

Maging si Ellen ay naloloka rin sa kanyang katapangan at nag-aalala rin siya sa posibleng pagbaklas ng IG sa kanyang photo dahil ikinunsi­derang hindi ito viewer friendly lalo na sa mga menor-de-edad na masisilip ang kanyang larawan.

Pero dahil nga malakas ang loob ni Ellen, hindi siya napigil na ipasilip ang kanyang puwet.

“Kiver! Kiber! The only photo I will upload sa inside page of FHM’s December issue just because its my favorite shot (behind the scenes na ang iba/bloopers),” sey niya.

Patuloy pa ni Ellen, baka raw isa sa mga araw na ito ay burahin na ang kanyang Facebook account o Instagram dahil sa kalaswaan ng kanyang larawan.”

“IG might take this down, but bahala na si Batman #YOLO.”

May mensahe rin si Ellen sa kanyang mga bashers…

“And to ya’ll hatin, do yourself a favor, you can blocked me or u just kiss my flat ass and save yourself from all negativity.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More