OH LABAN KA?!: KC nagpatikim ng kaseksihan sa IG

By

Minsan pang ipinasilip ni KC Concepcion ang kanyang kaseksihan sa Instagram wall nito kung saan makikitang patagilid na nakasandal ang aktres sa isang puno suot ang isang puting one-piece bathing suit habang naka-background sa likod nito ang sunset view at dagat.

Ang nasabing photo ay throwback na mula sa kanyang Tanduay calendar ilang taon na ang nakakaraan at unang pagkakataong nagpasi­lip ito ng kanyang kaseksihan o latest photo niya ito na ngayon lang niya inilabas?

Nagparamdam ng kanyang kasabikan sa mensahe nito sa caption ng larawan na nami-miss niya ang dagat.

Sabi pa niya, @itskcconcepcion, “7,107 Philippine Islands & I’m spending Sunday in the city: Why take me to the beach..@marknicdao (#764islandsATM).”

Ang binanggit na pa­ngalan ni KC sa kanyang caption ay isa sa kanyang paboritong photographer at kaibigan na rin niya na nakakasama niya sa ilang mga out of town adventures niya. 

Kaibigan rin ito ni Ellen Adarna na kumuha rin sa kanya ng ilang mga sexy photos na nakapaskil sa IG photo gallery nito nong nakaraang taon at ilan ay naging controversial dahil sa nudity.

Halos magkaparehas sina KC at ang kanyang inang si Sharon Cuneta na nag-throwback rin kamakailan ng mga dati nitong larawan mula sa mga pictorials nito para sa pelikula, concerts, magazines at album launch.

Isa uling Tanduay calendar photo ang una nang ipinoste ni KC sa kanyang IG wall kung saan naka-off shoulder shirt siya at naka-maong shorts habang patagilid siyang nakaupo.

Isang tula ang ginamit niyang caption sa lara­wang ito na parang nagsasabing gawin ang ninanais nito para sa kanyang kaligayahan at para abutin ang kanyang mga pa­ngarap.


Bagama’t, parehong throwback ang mga pinosteng larawan ni KC, pinuri pa rin siya nang kanyang mga tagaha­nga sa ganda at kaseksihan nito.

@tessyspiridon, “classic beauty, soooo beautiful”

@anjieaquino, “it’s so simple one piece but OMG the goddess of all goddest…I admire u so much KC!!! Hope to meet you one day.”

@celynapalma, “Omeged @itskcconcepcion urzo gorgeous!”.

Baby ni Pauleen sumisipa na

Nagparamdam na ang sanggol na dinadala ni Pauleen Luna-Sotto sa kanyang sinapupunan na ipinapalagay ng nasabing misis ni Vic Sotto na natuwa ang baby niya sa musicale na pinapanood nila nang mga sandaling yun.

Naka-poste sa Instagram wall ni Pauleen ang larawan nila kanyang Mommy at dalawa pang mga kasama matapos silang manood ng pinagbibida­hang musicale ni Nyoy Volante, ang “Kinky Boots”.

Sa caption, pinuri ni Pauleen ang ganda at husay ng mga performers kasunod nito ay sinabi niyang gumalaw raw ang baby niya sa loob ng kanyang tiyan.

@pauleenlunasotto, “Kinky Boots was AMAZING! I actually felt my baby move inside me for the first time! I think it’s the excitement! Congratulations to the whole Kinky Boots team! BRAVO!”.

Ibig sabihin, nag-enjoy rin sa kabaklaang show ang baby ni Pauleen na nasa loob ng kanyang tiyan. 

Nong June 25 ibinahagi na ng mag-asawa na ‘babae’ ang kanilang magi­ging anak at papangalanan nila itong Jessica.

Aliw na aliw si Pauleen sa kanyang pagdadalantao na kahit ipaki­ta nito ang kanyang tiyan sa publiko ay okey lang sa kanya.

Isang photo nila ni Ryzza Mae Dizon ang pinoste sa IG account name na @team_bosleng kung saan nakalilis pareho ang pang-itaas na suot ng dalawa at ipinakita ang ma­laki nilang tiyan.

Nakasulat sa photo ang salitang “twinning”.  Sa tiyan ni Ryzza may nakadikit na sticker photo ng iba’t-ibang pagkain samantalang cute baby girl naman na may ribbon ang sa tiyan ni Pauleen.

Nag-playtime sa photos ng dalawa para makita ang pagkakaiba ng laki ng tiyan ng dalawang Eat Bulaga mainstays.

Hindi katakatakang makipag­laro si Pauleen kay Ryzza dahil love niya ito pati na ang isa pang bata sa Eat Bulaga na si Baste.

Anyways, marami ang nakakapansin ng kakaibang glow at ganda ngayon ni Pauleen kaya naman sina­sabi ng kanyang followers na magiging maganda ang kanilang baby ni Bossing Vic.

SHARE