Una sa Balita

OH LABAN KA?!: KATHRYN, MADALAS PALIGUAN NG HALIK NI DANIEL!

By
0 11

Sina ­Kathryn Bernardo at ­Daniel ­Padilla ang ­masasabing pinaka-sweet sa lahat sa naganap na ­Thanksgiving presscon, cum media-get-together para sa 25th anniversary ng Star Magic, ang pinakasikat at ­pinakamalaking talent agency sa buong entertainment ­industry, na sa ilalim ng ABS-CBN 2.

Umaapaw sa pagmamahal niya at lambing si Daniel kay Kathryn, na kahit sa harap ­mismo ng mga press na nag-interview sa kanilang ­dalawa matapos nilang gawin ang kanilang song ­number kasama ang iba pang mga Kapamilya love teams na sina Enrique Gil at Liza Soberano, ­Elmo ­Magalona at Janella Salvador, Sofia Andres at ­Diego Loyzaga, Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie Alonte at iba pa.

Kitang-kita ko na panay ang halik ni Daniel kay Kathryn habang yakap-yakap nga nito ang dalaga sa harap ng media.

Sa tuwing may sasagutin itong tanong na may kinalaman sa kanilang dalawa at sa nara­ramdaman niya para kay Kathryn, laging hinahalikan ni Daniel ang dalaga sa noo, sa buhok o sa sintido. Kaya ramdam na ramdam mo talaga ang matinding pagpapahayag ng pag-ibig nito sa dalaga.

Walang kaduda-duda na masaya si Daniel sa relasyon nito kay Kathryn at ipinagmalaki nitong hindi na raw sanay ang huli na hindi niya kasama ang aktres.

Sa tanong kung ano ang nararamdaman ni Kathryn sa pagiging showy ni Daniel sa feelings nito sa kanya, ­sinabi naman ng dalaga na masaya siya dahil ipinaparamdam sa kanya ng aktor na ­importante siya rito.

‘Yun nga lang, mahihirapan si Kathryn na mag-mature sa mga roles o eksenang gagawin nito lalo at ­ipinasilip na niya ang kaseksihan sa isa sa mga Instagram post na kuha sa bakasyon nila ni Daniel sa Boracay.

Umani kasi ng iba’t ibang reaksyon ang pagsusuot ng bathing suit ni Kathryn sa nasabing island vacation nila ni Daniel.

Pasado ang alindog ni Kathryn na ­ilagay ito sa isang movie project, na ­siya sinabi naman niya sa interview namin na puwede siyang tumanggap ng ­mature role.

Pero depende pa rin daw ‘yun sa kung ano ang magiging desisyon ng Star ­Magic na siyang humahawak sa kanyang karera.

Hindi magiging madali kay Kathryn ang magpa-sexy dahil kinakailangang magpaalam din muna ito kay Daniel.

Sabi nga ni Daniel, ‘kailangan’ daw na magpaalam talaga sa kanya si Kathryn. Pero kung siya ang tatanungin ay ­ayaw raw niyang ipakita sa publiko ang kaseksihan ng kanyang kasintahan.

Samantala, inililihim ni Daniel ang kung anuman ang plano niya ngayong araw na ito sa Valentine’s date nila ni Kathryn. Gusto raw niyang sorpresahin ang kasintahan sa araw na ito kaya ­hindi niya ito puwedeng sabihin sa media.