Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Juday, imbiyerna na sa ‘TABA’ niya!

By
0 184

Puspusan ang gina­gawang pag-i-exercise ni Judy Ann Santos-Agoncillo para sa inaasam na pagpapapayat. Nag-post si Juday sa kanyang Instagram wall ng short-video na nagpapakita ng training niya.

Apat na short video ang pinoste ni Juday sa kanyang IG wall na nagpapakita ng iba’t ibang klase ng workout routine na ginagawa niya. Hindi madali ang work-out program na ginagawa ni Juday kung saan nagbubuhat siya ng mala­king metal plates, tumatakbo-gumagapang-tumatalon at iba pa.

Sa tingin pa lang sa exercise ng aktres, kahit sino ay susuko. Pero de­si­dido ang aktres na ibalik ang dati niyang pigura na nawala nu’ng mabuntis, manganak siya.

Malaking challenge kay Juday ang mga bashers na namintas ng kanyang katabaan sa Instagram. Mababasa sa caption ng video ni Juday na gusto na niyang ibalik ang dati niyang waistline…

“Ayan ah. Pinagtutuunan kita ng pansin fats. Sana naman maumay ka na sa akin at lubayan mo na ‘ko sa lalong madaling panahon.  Masyado na tayong close. Give me back my space and waist,” sey ni Juday.

Bukod sa solo workout, makikita rin sa IG wall ni Juday ang mga pagwu-workout nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

Kung magtutu­luy-tuloy si Juday sa training posib­leng bago mag-Pasko ay makamit na niya ang inaasam na sexy and slim body.

Gretchen, ‘deadma’ sa b-day ng tatay niya!
Claudine at Marjorie, punong-abala

Wala na yatang pag-asang magkaa­yos talaga ang pamilya Barretto, base na rin sa pinakabagong kaganapan na pinoste ng magkapatid na Marjorie at Claudine sa kanilang Instagram account.

Daddy Miguel at Claudine
Daddy Miguel at Claudine

Nagdiwang ng 79th birthday ang ama nina Marjorie at Claudine na si Miguel Barretto na ginanap sa Shangri-La, The Fort. Sunud-sunod ang postings nina Claudine at Marjorie sa kanilang IG ng birthday dinner nilang magkakapatid kasama ang kanilang ama at ina.

Sa isang group photo ni Claudine ay makikitang magkakasama sina Mito, Connie, John, Mark, Coy Garcia at Marjorie.

Sa IG account naman ni Marjorie, may kuha silang dalawa ng daddy niya. At ang isa naman ay silang tatlong magkaka­patid, sina Mito at Claudine kasama ang kanilang ina.

Puro “we love you” ang laman ng kanilang mensahe para sa kaarawan ng ama. Siyempre, hindi maiiwasang hindi magtanong ng mga fans kung kailan sila magkakabati na magkakapatid at muling magkasama-sama sa ganitong okasyon.

Hindi sinagot nina Claudine at Marjorie ang anumang comments o tanong tungkol sa kapatid nilang si Gretchen.

Well, tila masaya at kuntento naman si Gretchen na malayo sa kanyang mga kadugo. Kung susundan ang mga postings ng aktres sa kanyang IG, abala ito sa kanyang pagwu-workout at pagdalo sa mga events o selebrasyon ng mga kaibigan.

Deadma nga si Gretchen sa okasyon na `yon, kung ang pagbabasehan ay ang mga pinu-posts niya, dahil hindi nga niya binati man lang ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy