Una sa Balita

OH, LABAN KA?!: JINKEE PACQUIAO, PASABOG, AGAW-EKSENA ANG ‘OOTD’ SA BELGIUM, AMSTERDAM AT ITALY!

By
0 88

Matapos magpa­talbugan ng gowns ang mga showbiz personalities sa wedding nina Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris, sa mga kalapit na lugar naman nagpatal­bugan ang mga ito, at todo-display sa kanilang mga OOTD (outfit of the day).

Number one sa pasabog at pa-impress ang misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Kung malalala ang mga damit na isinusuot niya kapag nasa ‘Pinas siya, o sa laban ng mister niya sa abroad, mas kabogera ang mga damit niya sa mga pagliliwaliw niya sa Europe.

Parang may dalang cabinet o closet si Jinkee sa papalit-palit niyang mga kasuotan, sa Belgium, Amsterdam at Italy. Makikita sa postings niya sa Instagram ang mga magagandang damit niya.

Ang layo na nga ng narating ni Jinkee mula nu’ng yumaman sila ng ­kanyang mister. Ang dating simpleng dalaga noon ay isa na ngang fashionista ngayon.

Hindi mga simpleng damit na mabibili lang sa mga local malls ang mga damit ni Jinkee, dahil alam mong mamahalin at branded ang mga ito.

Isa sa mga nakaw-eksena na OOTD ni Jinkee ay ang mga pinartneran niya ng mga bitbit niyang mga bags na Chanel at Hermes.

Ang pinagtatalunang Himalayan Berkin Crock Skin na may brilyante at Gold Hermes nina Heart Evangelista, Marian Rivera, meron din nito si Jinkee.

At maging ang kakambal niya ay ayaw ring patalbog sa magagarang damit na sinusuot ng mga ito sa kanilang pamamasyal sa Europe.

Anyway, rumampa rin nang bonggang-bongga sina Zsa Zsa Padilla at Lovi Poe, pero simple ang kanilang mga outfit.

At bagama’t, casual dress lang ang mga isinusuot ni Regine Velasquez-Alcasid sa pananatili nito sa Paris, bumawi naman ito sa mga sapatos na suot nilang mag-asawa gaya ng Gucci, Louise Vuitton.

Sosyal din ang anak nilang si Nate na gaya ng kanyang parents na sina Regine at Ogie, dahil sa mga branded get-ups nito.

Pero, panalo talaga si Jinkee pagdating sa payamanan, pamahalan ng suot. Wala namang masama dahil ang ginagastos naman niya ay ang perang pinaghirapan ng kanyang asawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy