Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Jessy, nalulunod sa walang katapusang ‘lambing’ ni Luis!

By
0 62

Nakakatuwang makita na lantaran na talaga­ ang relasyon nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Sa pinakahuling post ni Luis ng photo nila ni Jessy na kuha pa rin sa Thailand, nagpahayag na talaga ng matinding pag-ibig niya si Luis sa dyowa niya.

Marami nga ang ­kinilig sa mensahe ni Luis para sa kaarawan ni Jessy last Saturday. ­Pinoste ni Luis ang mukha ni Jessy na may background na Buddha sa likod at makikita ang close-up shot na hawak-hawak ni Luis ang kamay ni Jessy.

Sa mensahe ay nagpahayag nang walang katapusang pag-ibig  at lambing niya si Luis at sa pagnanais niyang makasama ito sa kahit na anong adventure.

“Happy birthday Chopie, I’m up for any adventure with you…either a high or a low as long as I’ve got your hand by mine…Happy birthday!” sey ni Luis.

Ito ang kauna-unahang pagsa-shout out ni Luis ng nararamdaman niyang pag-ibig kay Jessy.
Umayon naman ang mga followers ni Luis sa kanyang post na nagsasabing tanggap nila ang ­aktres para sa kanilang idol.

May mga nagkomento nga na baka si Jessy na ang natatanging babaeng pakakasalan ng TV host, bagama’t hindi naman nito sinabi sa kanyang caption ang intensyon niyang maging asawa ang kasintahan.

Anyways, halata namang masaya sina Jessy at Luis dahil sa huling tsika namin kay Jessy sa presscon ng Mano Po 7: Chinoy na ipalalabas sa Dec. 14 under Regal Entertainment, malaking ins­pirasyon sa kanya ang boyfriend dahil kapag dumarating sa sandaling nalulungkot at gusto na raw niyang sumuko, sinasabi lang sa kanya ni Luis na yakapin ang mga blessings na nasa paligid niya.

Ngayong Pasko ay wala pang ideya si Jessy kung magkakasama sila ni Luis sa family get-together ng pamilya nito. Sa tuwing may dyowa si Luis, lagi niya itong isinasama sa Christmas ­get-together ng pamilya niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy