Una sa Balita

Oh Laban Ka?!: Jessy at Luis, ‘durog na durog’ sa bashers dahil kay Angel!

By
0 60

Dinudurog ngayon sa social media sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, dahil sa ‘triangle issue’ sa kanila ni Angel Locsin. Hindi umubra ang pa-positive at friendly message posts ni Luis sa kanyang IG dahil binanatan at di­n­i­dikdik pa rin silang dalawa ni Jessy ng mga maangas na komento ng mga followers nila.

Naglabas ng mensahe si Luis sa IG wall na nagsasabi sa mga followers niya na huwag maniwala sa kung anuman ang nakikita o naririnig sa mundong ito.

“Those last 2 posts were just to prove don’t believe everything you see or hear in this world…”

Hindi nilinaw ni Luis kung ano ang tinutukoy niyang dalawang posts. Pero, ang karugtong ng mensahe niya ay patutsada sa kanyang mga bashers na nagsasabing…

“Kita niyo nga, bashers sila pero proud servants of god,” na nilakipan niya ng mga smiley na umiiyak na sa kakatawa.

Bumawi naman siya sa huli ng mensahe niya na nasa himig na nang pagiging friendly niya…

“Good night guys and bashers, alam ko naka-follow kayo and watching my shows.”

Walang epekto sa mga bashers ni Luis ang kanyang mensahe dahil hindi napigil ang mga itong magtapon ng mga kung anu-anong masasakit na akusasyon at mga salita patungkol sa kanya at sa nililigawan niyang si Jessy.

Kung anu-ano ang itinatawag kay Luis sa sarili niyang IG account ng mga bashers at sinasabing ‘two-timer’ umano siya. Kung anu-ano pa ang tinawag nila kay Luis.

Sinasabi pa ng isa na pinaasa raw ni Luis si Angel kaya nasaktan ito nang todo sa kanilang break up. Isinusumpa pa si Luis ng iba, na nagsabi na hindi nito makakamit ang kaligayahan dahil nagpapaasa ito ng mga babae.

Kinuyog din si Jessy ng mga bashers at tinawag nga itong ‘ahas’, ‘malandi’, ‘ilusyunada’ at nangangarap na ma­ging ‘Darna’, na kapalit ni Angel.

Maging ang pangangatawan nito ay pinintasan ng mga bashers at binansagan pa itong ‘pata queen’ dahil sa laki raw ng mga legs nito.

Kung tutuusin, puwedeng ireklamo ni Luis ang mga bashers niya lalo at hindi na halos makain ng aso ang mga pinagsasabi ng mga ito tungkol sa kanila ni Jessy. Base sa mga komento ng mga ito, parang mga die-hard fans ito ni Angel Locsin.

Kinukuwestyon din ng mga fans ni Luis ang mga bashers lalo at nabalitaan niyang pinagsabihan na raw ni Angel ang kanyang mga fans. Pero mukhang hindi member ng fans ni Angel ang mga nambabastos kina Luis at Jessy dahil marahas ang kanilang mga salita.

Nagtanggol naman ang mga fans nina Luis at Jessy sa mga kalabang bashers, pero mas matatapang at palaban ang mga bashers nila, ha!

Anyways, sinusulat ang item na ito wala pang komento o hakbang si Luis sa mga bashers niya.

May mga nagpapayo sa award-winning TV host na i-block na ang mga ito dahil sagad sa buto kung manghamak at manlait ang kanyang mga bashers.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy