Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Heart nagiging emosyonal sa bagong bahay

By
Heart Evangelista
0 1

Nagiging emosyonal si Heart ­Evangelista ­ngayon, hindi dahil kay Sen. Chiz Escudero o dahil may problema ito sa kanyang married life.

‘Yun ay dahil sa bagong achievement ni Heart sa buong ­karera niya sa showbiz na tila ngayon lang niya ­nagawang makamit.

Nakaposte sa Instagram ni Heart ang dala­wang larawan ng ipinapagawa niyang bahay. Nasa construction site si Heart at sa kanyang message caption ipinahayag nito ang nararamdaman sa pagbisita niya sa bahay.

Makikita sa dalawang photos na nasa finishing stage na ang construction at malamang bago matapos ang taon o sa unang buwan nang 2017 makakalipat na ang aktres at ang kanyang senador na asawa.

Saad ni Heart sa IG posts niya, “everytime I ­visit my future home I feel like crying. Years of hardwork.  You are just amazing God. Thank you everything tears, pain and joyful times!!! Your perfect time talaga. Wow! My home is almost done.. not yet but getting there!!! #homewheretheheartis.”

At sa isa naman niyang photos na nakatingin siya sa kisame, “hello #homewheretheheartis #walkin. Almost there!!”

Nakamit na nga ni Heart ang pinapangarap ­niyang balanse sa personal life. Maliban sa pagkakaroon niya nang maayos at masayang married life, tinanggap na nga nang tuluyan ng kanyang mga ­magulang ang mister niya.

Sa isang latest photo ni Heart, nakaposte ang ­larawan nila ng buo niyang pamilya kasama ang ­dalawa niyang kapatid, ang ina at ama niya, at si Sen. Chiz.

May larawan pa si Chiz kasama ang tatay ni Heart.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakasama nina Heart at Chiz ang parents nang aktres. No’ng Sept.5 may kuha sina Heart at Chiz na kasama nila ang ama nang Kapuso star.

Inaasahang magiging masaya ang Kapaskuhan ng mag-asawa sa siguradong get-together nilang lahat.

Kristoffer Martin seryoso sa pagpapaganda ng katawan

Kristoffer Martin
Kristoffer Martin

Patuloy ang pagpapa-borta ng katawan ng Kapuso hunk na si Kristoffer Martin at ­nagiging pangalawang bahay na yata nito ang gym.

Mismong ang isa pa ring kilalang hunk na ­kasamahan niya sa network na si Rodjun Cruz ng ­seryeng ‘Encantadia’ ay bumibilib na sa ganda ng ­pangangatawan ng una.

Nakaposte sa Instagram wall ni Kristoffer ang isang short video na ipinilit ni Rodjun na ipakita niya sa kanyang mga fans at followings dahil proud ito sa development ng pigura ng una.

Sa video makikitang nagpu-pull up si Kristoffer sa bar na nagpalantad ng pormadong muscles nito sa likod.

Saad niya sa caption ng video, “tumawag si ­brader @rodjuncruz para lang sabihing ipost ko to.  Proud daw siya. Labyu brader mas idol kita. Hindi back day pero sige pull-ups!!”

Maraming humanga sa mga followings ni Martin dahil sa malaking pagbabago sa kanyang physique mula nang isalang niya ang sarili sa gym.

Humihilera na raw si Kristofer sa mga hunk na gaya nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino at iba.  Sumawsaw na rin sa gym-enthusiasts si Ruru Madrid para sa role niya sa Encantadia.