Una sa Balita

OH LABAN KA?!: GWEN ZAMORA, NAKAPAGLALAWAY ANG ALINDOG!

By
0 74

A post shared by Gwen Zamora (@gwenzamora) on

Hinintay lang talaga ni Gwen Zamora at ni Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang summer para maglantad sila ng kaseksihan.

Nakaka-wow nga ang kaseksihan ni Gwen sa mga larawang pinoste niya sa

bakasyon nila ng dyowa niyang si Jeremy Marquez, na kuha sa Siargao. Hindi nagpaawat si Gwen na ibuyangyang ang kanyang nakakapaglaway na alindog sa 2-piece beige swimsuit na suot niya.

Mukhang naging pukpukan ang pagdi-diet ni Gwen at pagwu-work out dahil sa hubog ng katawan niya ngayon. Walang kapusun-puson ang aktres at anumang bilbil sa magkabilang gilid ng beywang niya na lagi niyang inirereklamo noon dahil mataba raw siya.

Confident sa pagpu-pose niya si Gwen, dahil alam niyang puwede na niyang ipagmalaki ang kanyang kaseksihan. Hindi na kami nagtataka kung madalas panggigilan ni Jeremy ang future-wife lalo at makatulo-laway talaga ang pigura ng kanyang ‘honey’ ngayon.

A post shared by Gwen Zamora (@gwenzamora) on

Samantala, hindi naman napigil ni Ogie Alcasid na isulat ang mga katagang ‘my love’ sa caption ng larawan ng kanyang misis na si Regine na pinoste niya sa IG wall niya. Nakatalikod habang nakaupo sa pool side ang photo ni Regine sa IG wall ng mister.

Bukod sa in black and white ang larawan, wide shot din ang pagkakakuha nito. Pero kapag zinoom in ang larawan, makikitang naka-2 piece si Regine.

May malaki naman palang dahilan si Ogie para purihin ang kanyang misis. Ang ganda na ng hubog ng katawan ng singer-actress-host ngayon.

Buong-buo ang pagkakabilog ng puwet nito at parang bote ng soft drinks ang hubog ng katawan ni Regine ngayon, kaya super-proud ang kanyang asawa.

GABBY, KAYANG PATAUBIN SI ERICH SA AKTINGAN!

Gabby Padilla

Sayang at hindi nakadalo sa presscon ang bida sa movie for TV na Pagtatapos na si Gabby Padilla, dahil bukod sa may hawig ito sa Kapamilya star na si Erich Gonzales at indie actress na si Mara Lopez, mahusay ang pagkakaganap nito sa kanyang karakter na dinirek ni Brillante Mendoza.

Ang Pagtatapos ay isa lang sa mga obra ni Brillante sa TV5. Ang iba ay naipalabas na nung mga nakaraang buwan at ang Pagtatapos ay mapapanood pa lang ngayong April 22.

Ang husay umarte ni Gabby na hindi mo aa­kalaing baguhan pa lang siya sa acting. Sabi nga ng isa sa cast ng movie for TV na si Racquel Villavicencio, nasa 20s na si Gabby pero dahil sa husay nito ay napaniwala niya ang manonood na isa pa lang siyang teenager.

Tungkol sa isang babaeng estudyante na dumaan sa problema sa lovelife, pamilya sa gitna ng kanyang paga-aral, ang paglitaw ni Maria Makiling sa kuwento ay may mahalagang papel sa nangyayari sa kanyang buhay.

Isang art film ang Pagtatapos, pero maiibi­gan ito ng mga manonood dahil sa temang tinatalakay tungkol sa mga mag-aaral. Puwedeng ma­­ging sikat na serious actress sa pelikula at telebis­yon si Ga­b­­by kung makaka­gawa pa ito ng mas maraming peliku­la. Baka mas mau­nahan pa niyang magkaroon ng ac­ting award si Erich.

Anyways, dahil sa internatio­nal reputation ni Brillante bilang award-winning director, binigyan siya ng kala­yaan ng TV5 na ilabas sa ere ang kanyang mga orihinal na obra.