Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ERIK, SARAP KAGATIN NG KA-MACHO-HAN!

By
0 238

Ang kaibahan nga lang ni Erik sa mga gaya nina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Rayver Cruz at Rodjun Cruz, hindi buong katawan ang ipinakita ng singer.

Muscle pa lang sa braso niya ang ipinaskil niya sa kanyang Instagram account, at marami na ang nabaliw at sinabihan na siya na seksi, macho at kung anu-anong nakakataba ng puso na salita.

Some moments are like IG Stories… they expire.

A post shared by eriksantos (@eriksantos) on

Nasa isang world-class beach haven si Erik nung mag-post siya ng larawan niya habang ang background ay ang pu­ting buhangin at kulay berdeng kulay ng tubig dagat.

Naka-sided profile ang singer na nakasuot ng sombrero, may hawak ng baso ng juice at sa kabilang kamay naman ay tinitignan niya ang hawak-hawak na cellphone.Nakasuot ng sando ang ASAP mainstay na siyang naglantad ng kanyang muscled biceps.

Simple lang ang kuha pero nakaagaw pansin ito, na kahit ang kasamahan niya sa ASAP na si Jona ay nag-comment na “Ganda ng shot.”

Ang ibang mga comments ay nagsasabing Pogi, Ang Init, Macho si Erik.

Nanggigil naman sa kanyang komento si @janicerik, “Na-miss ko ang braso mo sarap kagatin @eriksantos.”

Wala namang deskripsyon si Erik sa kanyang toned arms kundi ang “Some moments are like IG stories… they expire.”

‘Yun nga lang, hinahanap pa si Angeline Quinto kay Erik ng mga fans niya.

BB GANDANGHARI, BONGGA ANG LIFESTYLE SA LA!

Single pa rin ba hanggang ngayon si BB Gandanghari? Sa mga posts niya ay walang indikasyon na may dyowa siya.

At ang madalas na kasama niya ay ang kanyang alagang black dog na pinangalangan niyang Ihman, na kasama niya sa tinitirhan niyang pad. Hindi nawawala sa message at captions niya ang alaga niyang ito sa hashtag na #ihman #service dog.

Nag-celebrate ng ika-11 year birthday ang alaga niyang ito na may close photo pa sa kanyang IG wall. Sa caption niya sa photo ng aso, sinabi niyang 10 years na niyang kasama ang dog  at sinabi niyang malaki ang parte nito sa pagbabago ng buhay niya.

Parang anak nga ang turing niya sa aso. Makikita na nilulutuan pa niya ito ng mga organic food.

Ang utol naman ni BB na si Robin Padilla, madalas mag-like sa mga photos nito.

Sa isang comment ni Robin ay tinawag na niyang sister si BB.

In fairness, kahit walang sinasabing trabaho si BB sa Los Angeles, may sarili itong sasakyan at sosyal ang tinitirhan nitong unit. Maging si Robin ay humanga sa ganda ng tinitirhan ngayon ni BB.

SAM YG, SOBRANG IN LOVE KAY JOYCE PRING!

Ang saya ng lovelife ni Sam YG, sa piling ng kanyang kasintahang si Joyce Pring. Makikita sa Instagram posts ni Sam ang mga happy moments nila ni Joyce sa kung anu-anong okasyon at pagkakataon.

Maging ang kanilang bakasyon sa Europe ay napuno rin ng mga sweetest moments.

Saktong-sakto para kay Sam ang pagkakaroon niya ng kasintahang gaya ni Joyce Pring.

Naglalaman ng mga papuri at pasa­salamat niya sa girlfriend sa birthday message niya sa kanyang IG.

“Happy birthday to this beautiful, smart, thoughtful & hardworking wo­man who never fails to bring joy(ce) to my life. May you continue to inspire e­veryone to follow their passions & live life to the fullest.

“I will always stay be here to love, support and listen to you & your “funny” jokes-even on your worst day.   Happy 24th @joycepring! I love you to Europe & back (since ayaw mo ng to the moon & back).”

Umaasa ang mga followers nila na mauuwi sa kasalan ang relasyon ng da­lawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy