Una sa Balita

OH, LABAN ka?!: Elmo, madalas matulala kay Janella!

By
Elmo Magalona at Janella Salvador
0 10

Nag-alinlangan pala si Elmo Magalona na sabihin ang iba pang mga kaganapanan sa taping ng serye nilang Born For You ni Janella Salvador sa Japan. Ilang beses huminto sa gitna ng kanyang sasa­bihin si Elmo at nag-isip na tila gusto na lang nitong sarilinin kung anuman ang dahilan ng pagka-distract niya sa mga pagtitig niya kay Janella.

Nung mapilit namin kung bakit siya nadi-distract, sinabi niyang palagi raw kasing natatawa sa kanya ang kapareha. Napanood na namin ang first week episode ng serye nung Sabado sa Trinoma, at hindi puwedeng mapansin ang tutok na pagkakatitig ni Elmo sa kanilang mga kilig scenes ni Janella.

First time na magtrabaho nina Janella at Elmo, pero sa mga eksena nila sa serye na kinunan sa iba’t-ibang lugar sa Japan ay parang matagal na silang magkakilala, ha! May mga eksenang mata sa mata kung titigan ni Elmo si Janella na halos hindi kumukurap ang young actor. Tagus-tagusan nga ang mga titig ng aktor sa kapareha.

Sinabi lang ni Elmo sa unang sagot niya sa tanong tungkol sa titigan, ‘Janella is Janella’. Maganda naman talaga ang anak nina Janine Desiderio at Juan Miguel Salvador na si Janella, bukod pa sa mukha nitong inosente talaga, at charming na personali­dad, kaya hindi imposibleng matulala rin minsan ang anak nina Francis Magalona at Pia Arroyo na si Elmo.

Madalas na nga lang daw na nagkakatawanan silang dalawa kapag nagkakatitigan, dahilan para ma-distract ang isa’t-isa sa kanilang kilig scenes.

Umpisa pa lang ng team-up nila at base sa ipinakita nilang rapport, malayo ang mararating ng kanilang samahan na puwedeng umabot sa totohanan.

Sabi nga ni Gina Pareño na gumaganap na lola ni Janella kaugnay sa nakikita niyang future ng ElNella, ‘May hahantungan kayong dalawa’ na ang ibig nitong sabihin, nakinikinita niyang mauuwi sa real-life romance ang dalawang young stars.

Anyway, sa June 20 na ang airing ng Born For You sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape.

***

Hindi isinasara ni Ritz Azul ang posibilidad na tanggapin niya ang panliligaw ni Ejay Falcon kung sakali mang totohanin nito ang sinabi nito sa interview na hindi imposible na ma-in love siya sa kanyang leading lady sa ginagawa nilang serye na The Promise of Forever, na nagtatampok din kay Paulo Avelino.

Matagal na nagsama sa shooting sina Ritz at Ejay sa Europe kung saan kinunan ang ilan sa mga eksena nila. Nagkaroon ng maraming pagkakataon si Ritz na maobserbahan at maka-bonding si Ejay.

Ejay Falcon
Ejay Falcon at Ritz Azul

Sabi nga ni Ritz, makulit si Ejay at lagi itong masaya sa kanilang set. Naka-relate ang aktres sa brown skinned actor dahil pareho silang probinsyano.

Si Ritz ay lumaki sa Pampanga, samantalang tubong Mindoro naman si Ejay.

Isa na raw magandang foundation ng kanilang samahan ang pagiging pareho nilang probinsyano.

Ayon kay Ritz, matagal na raw siyang handa sa mga gustong manligaw sa kanya at magka-boyfriend, pero ayaw niyang panguna­han ang kung anuman ang itinakda sa kanya ng Diyos.

Kung ano ang ibibigay daw sa kanya, ‘yun ang tatanggapin niya.

Sa ngayon ang trabaho niya sa serye ang focus ni Ritz lalo’t malaking responsibilidad ang ibinigay sa kanya ng Dreamscape Productions na siyang producer ng TPF.

Matagal-tagal pa naman daw ang pagsasama­han nila ni Ejay at saka na lang niya ito pagtutuunan ng atensyon kung nandiyan na ang sinasabing panliligaw sa kanya ng aktor.