Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ELLEN ADARNA, NAGHUBO’T HUBAD SA SOCIAL MEDIA!

By
Ellen Adarna
0 175

Pagdating talaga sa pagiging pala­ban at mapangahas, wala na talagang tata­lo pa kay Ellen A­darna. Shocked ang mga follo­wers, fans ni Ellen sa Instagram nung mag-post ang sexy actress ng ilang mga hubad niyang photos.

As in wala talaga s­iyang saplot na suot, ha!

Nung una hindi maa­ninag ng mga followers ni Ellen kung sino ang babaeng mistulang naka-silhouette shot sa tabi ng dagat. Ang caption lang kasi, ‘Be Free AF’.

Sa ikalawa naman ay nakatayo ito na naka-pose paharap ng dagat, o nakatalikod sa kamera.

At sa ikatlong photo niya ay mas malapitan na, pero nakatalikod at kumakaway, at may katabi siyang lalake na hubo’t hubad din.

Kitang-kita sa photo ang puwet ng babae, pati ng kasama nitong lalake.

“Just keep your mind open and suck in the e­xperience. #skinnydipping with my fave @marknicdao, peace out!” caption lang ni Ellen sa photo na `yon.

Nakatalikod ang lalake, kaya inisip ko na lang na ang sikat na photographer na si Mark Nicdao nga `yon.

At siyempre, naloka ang mga followers ni Ellen na halos lahat ay bumibilib sa lakas ng loob at free-spirited ng aktres.

Hindi lang namin maintindihan ang naging conversation ni Ellen sa isang follower niya na si @maregicruz sa tanong nito, “@maria.ellen.adarna @marknicdao tinapos niyo na lahat ng laban!”

Sagot naman ni Ellen, “@maregicruz heat stroke 1st layout pero tinuloy after recovery. Tapos 8 layout ma, ahahaham, saya! Push!!”

Posibleng isang photo shot ang paghuhubad ni Ellen sa nasabing lugar na ang photographer ay si Mark Nicdao.

At ‘yun na nga, trending na naman ang mga photos na ‘yon ni Ellen dahil siya ang kauna-unahang Kapamilya star na naghubo nang bonggang-bongga sa social media.

Vina, ipinagmalaki ang kabutihan ni Shaina!

Vina Morales
Vina Morales

Ibinuko mismo ni Vina Morales ang ipinakatagu-tagong pinagkakaabalahan ng nakakabata niyang kapatid na si Shaina Magdayao sa Instagram post niya ng birthday message niya para sa huli.

Nag-post si Vina sa kanyang IG ng flipgram photos ni Shaina na nagpapakita ng mga charity works nito sa iba’t ibang institution. Makikita sa mga larawan ang pagbisita ni Shaina sa mga batang may karamdaman at mga abandoned kids.

Sa mensahe ni Vina, alam niyang ayaw ni Shaina na malaman ng publiko ang kanyang charity events pero gusto niyang i-post ito dahil ipinagmamalaki niya ang kabutihan ng kanyang kapatid.

Nakuha raw niya ang mga larawan mula sa fans club nito na kumuha ng mga shots ng charity works ng idol nila.

Saad pa ni Vina sa kanyang mensahe, “#magdayaosisters To one of the k­indest person I know and I’m proud that I’m her sister… Advance happiest b-day to you my sister @shainamagdayao.

“Uunahan ko na sila hehe. These photos were sent to me by the shainantics and got it from our family chat room.

“She never posts her charity work so, si Ate na lang and these are just a few.  I’m proud ate here.  I love you inapotpot.”