Una sa Balita

OH LABAN KA?!: DENISE, NAKAKAULOL ANG MATAMBOK NA PUWET!

By
0 311

Usung-uso ngayon ang mga sexy back photos dahil halos lahat ng mga local stars na rumampa sa mga beach resorts nitong ­nakaraang holiday season ay nag-post na lantad ang kanilang mga likod, gaya nina Nadine Lustre, Solenn Heussaff, Sarah Lahbati at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Pero ang sexy back shot ni Denise Laurel ang nagpakabog sa kanilang lahat dahil ipinapalagay ng ilang netizens na ang Kapamilya star ang local version ni Kim Kardashian.

Kuha ang mga photos ni Denise sa isang beach resort na hindi niya pinangalanan ang lugar.

Ipinangalandakan ni Denise sa buong madla ang hubog ng kanyang puwet sa tatlong magkakasunod na photos niya sa ­kanyang Instagram.

Suot ang black 1-piece high cut bikini, nag-pose si Denise na nakatalikod, nakatagilid sa dagat at ang isa naman ay sa labas ng ­tinitirahan niya.

Kung pamatay ang tambok ng puwet ni Nadine, nakakaulol naman ang malaman at hubog na hubog na puwet ni Denise, na parang isang kabayong pangangarera.

Sa selfie shot nito na reflected sa salamin, kahit si Kim Kardashian ay mapapa-wow sa hubog ng puwet at malamang pata ng aktres.

Wala nang iba pang caption na sinulat si Denise sa mga nasabing shots maliban sa pagpapasalamat niya sa brand ng swimsuit na suot niya ang @boomsason na meron din si Solenn Heussaff na suot-suot niya habang sinisipat ang katawan sa salamin sa isang video.

Pero mukhang tinalbugan ni Denise si Solenn sa parteng ito ­dahil sa nakakaulol na kaseksihan nito sa suot-suot na swimsuit. Para sa amin, ang winner sa sexy back photo shot ay si Denise.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More