Una sa Balita

OH LABAN KA?!: CRISTINE, UMIMPIS ANG BOOBS!

By
0 103

Aprubado ni Cristine Reyes ang pag-aartista ng mister niyang si Ali Khatibi. Excited pa nga si Cristine sa kung ano ang magiging feedback ng netizens sa acting ng kanyang asawa na nakapag-debut project na sa cable channel ng TV5.

Sa Viva Artist Agency na siya ring business handler ni Cristine sa showbiz nagpapa-ma­nage ng kanyang acting career si Ali.

Pero, ayaw daw talaga ni Ali na pasukin ang acting pero kinausap ni Cristine ang asawa at sinabing subukin niya ang mundong ito para maintindihan niya ang buhay na pinasok niya.

Nagu-glow ang mga mata ni Cristine sa naiisip na acting ng mister niya kapag nagdire-diretso na ito sa showbiz.

‘Yun nga lang, ayaw magsalita ni Cristine sa posibilidad na magpa-sexy ang mister niya sa mga projects, lalo at kilala sa pagiging sexy bod si Ali. ‘Di nga ba, naging finalist ito sa isang competition ng paseksihan. Na kahit hindi siya nanalo, marami naman siyang
pinatakam na mga babae at bading.

Ayon kay Cristine, desisyon na raw ng asawa niya kung gusto nitong magpa-sexy. Proud naman ang aktres sa kung anong ipapakitang katawan ng mister niya kaya kapag nagpa-sexy daw ito, hindi raw ito mapapahiya.

Wala pang ideya kung ano ang image at genre na papasukin ni Ali. Kampante naman siya sa Viva lalo at ito ang nagbigay sa kanya ng magandang puwesto sa showbiz, hindi lang bilang isang sexy star kundi isang mahusay na aktres din.

Gaya nga sa naunang sabi niya, hindi na magpapa-sexy pa si Cristine kahit mas may abs ngayon ang kanyang tiyan.

Samantala, kapansin-pansin ang pagliit ng dibdib ni Cristine nung huli namin itong makita sa presscon ng I Can Do That show sa ABS CBN 2 studio.

Kung payat sina Kim Chiu, Toni Gonzaga at Erich Gonzales, mas payat si Cristine ngayon. Ayon sa aktres, nagti-training siya ng martial arts ngayon.

Misteryosang ‘babae’ sa National Museum,
nanay ni Vicki Belo!

Nagkaroon na ng linaw ang kuwento tungkol sa isang portrait (painting) ng isang babae, ni Amorsolo na hindi natapos na naka-post sa National Museum. Sinasabing ang painting ang siyang pinakahuling obra ng world-renowned Pinoy painter na si Amorsolo.

Ang nasabing babae pala ay ang yumaong ina ng celebrity beauty doctor na si Dr. Vicki Belo. Naka-poste sa Instagram account ni Dr. Belo ang isang napakagandang painting ng isang babae na kalahati lang ang natatapos.

Sa caption ni Dr. Belo, kinumpirma niyang ang kanyang ina ang modelo sa nasabing larawan.
“This is an amazing story. This painting is hanging in the national museum and is the last work of #Amorsolo.”

Isang nagngangalang Judy Roxas ang nakakita ng painting at sinabing ito raw ang ina ni Dr. Belo.

“Judy Roxas saw it and said that the mystery wo­man in the unnamed painting was Nena Belo my Mom.”

Tinawagan daw ang anak na lalake ni Dr. Belo na si Direk Quark Heneras at kinumpirma nga na ito ang ina ng kanyang Mommy Vicki.

Lahat daw ng kapatid ng ina ni Dr. Belo ay may Amorsolo portrait nila. Ang kanilang kapatid na ina ni Dr. Vicki ang siya lang hindi natapos ng nasabing National Artist.

“All my Moms 5 sisters had Amorsolo portraits and when I asked her why didn’t have, she said that she had posed for it but didn’t know what happened to it.

“Well, it was never finished and surfaced 65 years now.”

Nangangahulugan lamang na napakaganda talaga ng ina ni Dr. Belo para maging modelo ng isang mahusay na pintor at kinilala pa sa buong mundo.

Wala namang ibang statement si Dr. Belo sa kanyang posting. Inilahad lang niya ang isang magandang kuwento tungkol sa misteryosong painting ng isang babae na hindi natapos.