Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ‘CRACK’ NI MAJA, MAS KAELYA-ELYA!

By
Maja Salvador
0 14

Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapainit ni Maja Salvador sa kanyang male followers sa social media, lalo na sa Instagram. Kung ang mga nauna niyang swimsuit photos ay naka-frontal siya, mas lalong nakakatukso ang bathing suit shot niya sa pool na nakatalikod.

Hindi ang hubog ng kata­wan ni Maja ang nakanakaw ng atensyon sa mga followers niya, kundi ang pagbakat ng behind ni Maja, lalo na ang hiwa ng kanyang puwet.

Dumikit sa balat ni Maja ang basang spandex swimsuit na suot niya, kaya naman bumakat din talaga ang hiwa ng kanyang puwet.

Nagmistulang manipis ang suot ni Maja dahil humulma ang tela sa ‘crack’ ng kanyang behind.

Wala akong idea kung may kina­laman ang pagpapaka-daring na ito ni Maja sa kanyang teleserye na Wild­flower sa ABS CBN 2. Pero pinasaya ­talaga ni Maja ang kanyang mga male fans sa pagpapasilip niya.

KIRAY, HUMILING NG BOOBS SA DIYOS!
“Pero, may kasamang abs ang binigay Mo…” — Kiray

Kiray

Umaapaw sa kaligayahan ang puso ni Kiray. Waging-wagi nga ang feeling ng Kapamilya actress sa karelasyon nitong hunk at modelo pa na si Kirst Viray.

Sa post nito sa kanyang Insta­gram account na kuha sa pre-­nuptial ­fashion shoot para kay Fanny ­Serrano na ang theme ay Lion King at Lady Kiray, makikita sa larawan ang panggigigil ng komedyante sa kanyang kapareha.

Hiniling daw ni Kiray sa Diyos na magkaroon siya ng didbib at ang ibinigay ay isang guwapong may magandang pangangatawan.

“Lord, thank you! Boobs lang ang hinihingi ko…may kasama pang abs ang binigay Mo!”…ba’t parang ganun ang reaksyon ko dito? Buwahahahahahahahaha!!”

Ilan ang naaaliw sa post ni Kiray at sumusuporta sa kanyang lovelife.  May nagsabing ang cute ng kome­dyante. May isa namang nag-comment na “bagay kayong dalawa”.

Pero isa ang may ibang paniniwala sa tinatamasang kaligayahan ngayon ng komedyana na naniniwalang hindi ito magtatagal.

Sabi ni @cherry_amor16, “Iiwan ka din niyan @kiraycelis, pero ­happy ka naman kaya push natin yan.”