Una sa Balita

Oh, Laban Ka?!: Ciara, nagpatutsada sa ‘bashers’ ni Sen. Tito!

By
0 336

Hindi na nakapagtimpi si Ciara Sotto, at pumatol na talaga sa mga bashers ng tatay niyang si Sen. Tito Sotto sa Instagram. Matapang ang mga bitiniwang salita ni Ciara tungkol sa ilang mga nanghahamak at bumabato sa kanyang ama.

Ibininuhos ni Ciara­ ang nararamdaman para protektahan at ipagtanggol ang ama. May kinalaman ito sa isang episode ng Eat Bulaga na naging kontrobersyal matapos ipatawag ng MTRCB o ang buong programa lalo si Sen. Tito dahil sa umano ay nakitaan nila ng paglabag sa kanilang rules and regulations, pati na rin sa kapakanan ng kababaihan.

Nagbigay kasi ng komento si Sen. Tito kaugnay sa isang babaeng sumalang sa Juan For All, All For Juan segment tungkol sa pag-inom nito.

“Kababae mong tao, pa-shot-shot ka!” ang nasabi ni Sen. Tito.

“Norms of gender insensiti­vity under the law” ang punto ng MTRCB sa naging komento ni Sen. Tito sa nasabing babae. Naging insensitive raw si Sen. Tito sa nasabing babae.

Dahil dito, inulan ng batikos si Sen. Tito kahit na ipinaliwanag nitong pangaral at hindi panghihiya ang ginawa niya lalo at hindi dapat maging gawain ng isang babae ang makipag-inuman na kasama ang maraming lalake maliban sa kanyang asawa.

Anyway, heto ang mensahe ni Ciara…

“Judging someone, calling them names and creating foil illustrations of a person is the lowest form of being KSP. You don’t know my father and can believe what you choose to. I thank the Lord and bask in the fact that the 16M voters don’t share your opinions of him.”

Walang pinatutungkulan kahit sino si Ciara sa kanyang post pero may mga patuloy na kumu-kontra sa kanyang comment. Marami rin ang nagtanggol at sumuporta sa aktres.

Robin at Vina, ‘utol’ pa rin ang tawagan!

robin-vina-001
Robinat Vina

Nagkita na at nagkaroon pa ng ilang photos sina Robin Padilla at Vina Morales nung magkita sila sa London para sa isang event doon ng ABS-CBN. Ang unang photo nila ay nasa loob sila ng eroplano na may caption pa na…

“Ang utol kong hoodlum, we just landed in London Kapamilya. I’m so happy to work with bin (Robin) @robinhoodpadilla again this Saturday. And yes we have moved on and very happy with our lives now.”

Sabi pa ni Vina, nagpapasa­lamat siya sa pagkakaroon niya ng kaibigang tulad ni Robin na ang nais lang ay ang makakabuti para sa kanya. Binanggit pa ni Vina si Mariel Rodriguez na misis ni Robin kasunod nung pagku-congratulate niya sa dalawa.

“One thing I’m thankful to this guy coz he only wishes­ the best for me. Thanks for being a dear friend and utol kong hoodlum @marieltpadilla congratulations to both of you again. God bless.”

Sa isa pang photo na kasama pa rin ni Vina si Robin ay katabi rin nila si Jodi Sta. Maria.

Mark-Winwyn relasyon, aprubado na ni Alma!

Walang dudang aprubado na ni Alma Moreno ang pakikipagrelasyon ng anak na si Winwyn Marquez kay Mark Herras. Malalaman ito sa post ni Win sa kanyang Instagram ng short dance number nila ni Mark na kuha sa isang event. Sinabi ni Win sa caption na sinabihan silang dalawa ni Mark ng mommy niya na sumayaw sa event para makapagbigay entertainment sa tao. Kahit wala raw silang rehearsal, sumalang sila at nakiramdam na lang sa galaw ng bawat isa. “Back when Mom said at her event ‘sumayaw kayong dalawa’ so we did – on the spot walang rehearsal existing lang, pakiramdaman na lang.”

Ayon pa rin kay Win ang pagsasayaw ang isang dahilan kung bakit sila nagkalapit, nagkaintindihan at nagkakasundo ni Mark.

“I guess dancing really brought us together @angelo_herras.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More